Chapter 36: Visitors

17K 500 100
                                    

Kung gusto niyo pong imagine-in ang bagong gupit ni Pio. Ayan po may picture ni Chris Hemsworth sa taas. Mygad! Naloka talaga ako. Nang napanuod ang Black Hat parang gusto kong tumambling dahil sa buhok niya. Hahaha!

__

Anong ginagawa nilang dalawa dito? Pa'no nila kami natunton? Sinusundo na ba nila si Pio?

Iyon ang mga tanong na pumasok sa isip ko pagkakita ko sa kanila.

Bigla kong naisipan na lumabas ulit ng apartment para tingnan kung may iba pang engkantado ang nakasunod sa akin. Nang masiguro kong wala ay pumasok na ako at ini-lock ang pinto.

Ang dalawang bisitang engkanto ay nakatingin lang sa akin na para bang naghihintay sa susunod na gagawin ko. Si Pio naman ay papalapit sa akin para batiin ako. Shit! Ang gwapo niya sa bago niyang gupit. Pero wala ako sa mood para puriin siya. Sa ngayon ay kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa hindi niya pag-sagot sa mga tawag ko. Pinag-alala niya ako nang husto. Halos mangiyak-ngiyak na ako kanina sa pag-aalala.

"Alex-" Salubong sa akin ni Pio.

"Tumatawag ako sa 'yo kanina pa." I said flatly. Hahalik sana sa akin si Pio pero nilampasan ko siya. Nagtitimpi talaga ako nang sobra dahil ayoko naman mag-eksena sa harap nitong dalawa. Ang totoo parang maiiyak na ako sa inis at gusto kong awayin si Pio. Tahimik lang naman ang dalawa na parang hindi nila alam ang gagawin; kung lalabas ba sila o mananatili doon. Nahalata yata nila ang pagka-inis ko. Hindi ko naman kasi ito sinubukang itago.

"Paumanhin, hindi ko napuna-" Sinubukan ni Pio na magpaliwanag pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako sa kwarto ko at iniwan silang tatlo. Nang makapasok na ako, doon na ako naglabas ng galit at umiyak. Nagpapasalamat ako na walang nangyari kay Pio pero nakakainis lang talaga. Hindi man lang niya naisipang i-check ang cellphone niya! Halos mamatay na ako kanina sa nerbyos at pag-aalala!

Ilang sandali pa ay narinig kong may marahang kumakatok sa pinto. Si Pio lang naman iyon at wala nang iba. Marahil nandito siya para suyoin ako pero hindi ko pinansin ang pagkatok niya. Masama pa rin ang loob ko kaya nahiga lang ako sa kama at nagmukmok.

"Alex?" Tawag ni Pio habang kumakatok. Hindi ako sumagot at niyakap ko ang unan. "Alex? Papasok ako..." Mahinahong sabi niya. Nagtakip ako ng kumot dahil ayokong makita niyang umiiyak ako.

"Alex, patawarin mo ako..." Hinawakan niya ang balikat ko. "Hindi ko kasi napansin dahil kausap ko sila kanina..." Paliwanag niya. Pagkasabi niya no'n ay nautahan na rin ako. Kung ako nga naman ang nasa kalagayan niya at nagkita-kita kami ng mga taong matagal kong hindi nakita sa tingin ko mae-excite din ako at makakalimutan ang ibang bagay. Tsaka napahiya ko yata siya sa harap no'ng dalawa. Prinsipe pa naman siya tapos gano'n lang ang tinrato ko sa kanya kanina. Hay. Na-guilty na naman tuloy ako.

"Nag-alala lang ako Pio. Akala ko kasi kung napano ka na. Takot na takot ako kanina." Paliwanag ko pero nakatakip pa rin ako ng kumot kahit pinagpapawisan na ako. Nahihiya kasi ako sa sarili ko.

"Patawad kung pinag-alala kita." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Ako naman parang batang sumisinghot ng sipon ko. Ginawa ko ng panyo ang kumot ko.

"Sorry din. Napahiya yata kita sa kanila." Paghingi ko rin ng dispensa. Hiyang-hiya talaga ako sa inakto ko kanina parang gusto kong sumuot sa kama at magtago sa kanya.

"Hindi naman.. Ang akala nila ay galit ka dahil nandito sila." Sabi niya. Sumilip ako mula sa kumot para tingnan siya.

Ang gwapo talaga ng gupit niya!

"Bakit nga ba sila nandito?" Tanong ko.

"Halika. Kausapin mo na lang sila." Sagot niya at tinulungan niya akong bumangon.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon