"Ha? Bakit?" Tanong ko.
Medyo matagal bago siya nakasagot. Parang nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin niya ba ang tanong ko.
"Gabi-gabi hinihintay ko ang pag-daan mo." Sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.
Ano raw? "Ha? Bakit?" Tanong ko ulit.
"Gusto kong nakikita kita." At hinarap niya ako. OMG! That handsome face!
"Ha? Bakit?" Puro 'ha-bakit' na lang yata ang nasasabi ko.
"Dahil may pagtingin ako sa iyo." Diretsong sagot niya.
Kahit sobrang corny ng pagkakasabi niya, hindi ko naiwasang kiligin. Alam mo 'yong sobrang nagpipigil ka na parang mauutot ka? hahaha. 'yun yon eh.
Sa buong buhay ko parang ngayon lang ako natahimik. DJ ako eh, kaya likas sa akin ang pagkamadaldal pero ngayon wala akong masabi. As in zero. Nada!
Ibig sabihin ba no'n may gusto siya sa 'kin? Hahahaha. Anyare? Kinikilig talaga ako! Haha. Pa'nong nangyari na nagkagusto sa 'kin to?
Nakatingin siya sa 'kin. He's like waiting for me to answer pero buffering pa rin ako. I don't know what to say kaya nginitian ko na lang siya.
And guess what? Ngumiti rin siya! This is the first time I saw him smile, like, real smile, since we met. At possible bang mas gumwapo pa siya nung ngumiti siya? Yes! Possible! Ang puti ng ngipin dude! Pang commercial!
"Alex?" He said, disturbing my daydream.
"A-bakit?"
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong niya.
"Wa-wala." Awkward. Nahuli akong nakatulala.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy