When I arrived at my place, I felt so stupid. Umiiyak pa rin ako hindi dahil sa galit kundi dahil naisip ko na mali ang ginawa ko. Maling mali. Hindi ko man lang siya pinakinggan o pinatawad samantalang niligtas niya nga ako. Napakabait sa akin ni Pio tapos 'yon pa ang ginawa ko sa kanya? Sinaktan ko sya at dinamay sa galit ko.
Napakastupid mo talaga Alex! Ngayon ka na nga lang nakakilala ng gano'n!
Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako.
Paggising ko, saka ko napansin na suot-suot ko pa ang gown na binigay nya sa 'kin. I was hoping na sana panaginip na lang ang lahat ng 'yon pero totoo ang lahat. Ito ang pruweba.
Akin na lang 'to, souvenir sa katangahan ko.
Tears started to well again but I battled against it. I have to move on...
Teka, anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at ichinarge ito. Pagbukas ko ay...
"Shit! Huwebes na ngayon?" Tanong ko sa sarili ko. Binuksan ko ang ipad ko at ganun din ang nalaman ko. Sira na ba 'to? Saturday ako gumimik eh. Sunday.... Monday... Tuesday... Wednesday.. Thursday. Shit! Shit! Ganon na ba katagal? Patay ako nito sa trabaho ko... mawawalan ako ng trabaho!
Dali-dali akong naligo at pumunta sa radio station na pinagtatrabahohan ko. Kumakalam na ang sikmura ko pero wala ng time para kumain. Ano naman kaya ang idadahilan ko? Na dinala ako ng isang gwapong engkanto sa kaharian nila? Tss. Sa mental ang kalalagyan ko nito!
Pagdating ko, nasalubong pa ako ng boss ko. Patay!
"Alex! Bakit ngayon ka lang pumasok? Ilang araw kang nawala. Hindi ka man lang nagpaalam!" Sermon agad sa 'kin ng boss ko. Namumula siya sa galit.
"Naku sir, sorry po, nagkasakit kasi ako." Nagdahilan ako.
"Anong sakit mo?"
Shit! Ano ba?
"Ano po.. Na-confine po ako eh. Ang taas-taas ng lagnat ko. Akala ko nga po mamamatay na ako eh." Pagsisinungaling ko.
"Bakit di ka man lang nag-text?"
"Eh sir, hinang-hina po ako eh." Sagot ko.
"Ganon ba? Nangayayat ka nga." Sagot niya. Nangayayat agad? Um-epek agad 'yong fruit diet?
"Oh sige, magtrabaho ka na." Utos niya.
"Sige po sir.. right away." I said with a big smile. Hay salamat.. Akala ko talaga mawawalan na ako ng trabaho.
Nagtimpla ako ng kape sa pantry at kumain ng sandwich habang nagtatrabaho.
"Hellooooo! Hello sa mga nakikinig diyan sa kanikanilang mga bahay, mga nasa trabaho o maging sa banyo! Na-miss niyo ba ako? Tagal kong nawala 'no? Kinuha kasi ako ng engkanto at dinala sa kaharian nila! Hahahaha!" I decided to make a joke out of it since no one would believe me. I tried to make my laugh more convincing but I just sounded corny and pathetic. I made it through my shift but I feel so unsatisfied with the work I did today. One of the listeners even called to ask if I'm alright because she said I sounded different. Like, boring kind of different.
Waaah! Ayoko ng ganitong feeling! Ang lungkot! Naisip ko na lang na sana magka-selective amnesia ako! Sana makalimutan ko na si Pio. ASAP! Please! Please!
Pag-uwi ko sa apartment nakita ko ang mga lalakeng nambastos sa 'kin nang gabing iyon at kinabahan ako dahil baka maulit na naman ang pangyayaring 'yon. Strangely, pagkakita nila sa 'kin bigla na lang nagsitakbuhan ang mga mokong na para bang nakakita sila ng multo.
Anong nangyari sa mga 'yon?
Dumaan ako sa puno kung saan ko unang nakita si Pio no'ng gabing niligtas niya ako. Natigilan ako dahil na-tempt ako na lapitan ito.
"Pio?" Bulong ko sa puno. "And'yan ka ba?"
Walang sagot.
Para akong tangang paikot-ikot sa puno. May dumaan pa na magbabalot at nakita ang ginagawa ko. Tiningnan nya pa ako ng masama pero wala akong pakialam. Habambuhay na bang nakasara ang lagusan? Sana makausap ko man lang siya sa huling pagkakataon. 'Wag 'yong gano'n kami nagkahiwalay.
"Pio?"
Wala pa ring sagot.
"Pio? Please. Magpakita ka na." Pakiusap ko. Gusto kong magpasalamat sa nagawa niyang pagtulong sa akin at gusto kong sabihin na hindi ako galit sa kanya.
"Alex?" May tumawag sa 'kin.
"Pio? Ikaw ba yan?" Tuwang-tuwang tanong ko.
"Hoy Alex! Anong ginagawa mo dyan? Magbayad ka na ng renta mo!"
Akala ko si Pio na. Takte. 'Yong landlord ko lang pala.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy