Chapter 28: Misunderstanding

17.3K 467 10
                                    

Salamat at natapos din ang week na 'to! I badly need a break. Workaholic ang peg ko nitong mga nakaraan araw eh. I badly miss Pio and the comforts of my little apartment.

Pag-uwi ko ng apartment ay mukhang naglalaba si Pio habang nakikinig sa mga dinownload kong kanta para sa kanya. Noong naglalaba kasi ako nang isang araw ay nakita niya ako kaya nagpaturo siya maglaba. Ang galing nga eh. Hindi naman sa inaalila ko siya kasi nag-volunteer naman siyang gawin 'yon. Mukhang sincere naman matuto kaya tinuro ko na pati 'yong ibang gawaing bahay eh tinuro ko na rin. Haha. I repeat, ginusto niya 'yon.

"Wow, sipag naman." Puna ko sa kanya habang nakatayo siya sa may lababo at busy na nagkukusot.

Napangiti siya. "Kumusta ang araw mo?" Tanong niya.

"Okay naman." Sagot ko. "Pio, bakit 'di mo ginagamit ang kapangyarihan mo para hindi ka napapagod ng ganyan?" I asked him curiously.

"Alex, hindi naman ito mahirap na gawain. Tingnan mo." Mabilis siyang nagkusot as if to stress his point. May pa-flex flex pa ng muscle niya. "Hindi ko kailangan ang kapangyarihan ko dito." Dugtong niya.

"Hmm.. Gano'n?" Oo nga naman. Parang sisiw nga lang sa kanya ang paglalaba. "Tulungan na kita d'yan." Sabi ko sakanya.

"Huwag na, maghapon ka na ngang nagtrabaho. Maupo ka na lang diyan at magpahinga." Sabi niya habang nagbabanlaw na ng ibang damit.

"Sus, para namang pagkakargador ang trabaho ko. Nakaupo lang po ako maghapon." I admitted. Dahil 'yon ang totoo. Nakaharap lang naman talaga ako maghapon sa computer. With of course the frequent trip to the vending machine for coffee. I'm guilty.

"Kahit na. Ito na nga lang ang ginagawa ko dito." Sabi niya habang patuloy na nagbabanlaw. Malapit na siyang yata siyang matapos.

"Okay. Okay. Sige tuloy, pati 'yong mga damit ng kapitbahay labhan mo na rin tsaka magwalis ka na rin do'n sa kalsada!" Biro ko sa kanya.

"Grabe ka naman. Gusto mo na ba akong mamatay?" Angal niya.

"Patay agad? Joke lang naman." Sagot ko. Bahagya akong yumakap sa bewang niya upang maglambing. Nakakatawa lang, 'pag ako ang naglalambing sa kanya parang okay lang pero 'pag siya na sa 'kin parang nininerbyos talaga ako. I call it the Pio Effect. Pero, bigla naman akong nakonsensya. Siguro 'pag nakita 'to ng magulang nito malamang ay gawin akong ipis. Akalain mo kasing Prinsipe tapos hinahayaan ko lang maglaba. But then again, hindi ko siya inutusan ng kahit ano. Lahat 'yon kusa niyang ginagawa.

Ngumiti siya sa 'kin. 'Yong heart-melting niyang ngiti. "Kumain ka na?" Tanong niya.

"Hindi pa." Speaking of which. "Kain tayo sa labas. Magbihis ka dali." Hinila ko siya.

"Sandali lang. Malapit na itong matapos." Sagot niya habang hawak pa rin ang damit na binabanlawan niya.

"Hmm.. I can't wait. Magic-kin mo na lang. Gutom na ako eh." I winked at him.

"Sige." Sagot niya sabay ngisi.

Pagdating namin sa restaurant, nag-order ako ng marami. Gutom na kasi talaga ako at saka alam kong pagod si Pio. Mas lalo akong humanga kay Pio dahil determinado siyang matuto. Alam kong mahal niya ako dahil willing siyang pagdaan ang hirap na mabuhay bilang tao kahit pwede naman siyang umuwi sa kaharian nila at humingi ng tawad and viola! Prinsipe na ulit siya. Pero mas ginusto niyang manatili dito, kasama ako. It made me fall in love with him even deeper.

Sandali, I have good news nga pala.

"Pio, nakuha ko na kahapon 'yong binigay ni Lady V." Pabulong kong sabi sa kanya. Marami kasing tao ngayon dahil Friday night.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon