"Mayroon kaming sinusunod na patakaran dito. Ipinagbabawal sa kahariang ito ang matulog sa ibang silid, lalo na para sa Prinsipeng tulad ko. Hindi naman kailangan magkatabi tayo, dito na lamang ako sa paanan mo matutulog." Sagot niya.
Naku mahal na Prinsipe baka dumada-moves ka lang naman. Hihi. Assuming.
"Ay 'wag na po sir, ako na lang dyan sa paanan. Nakakahiya naman sa 'yo." Sagot ko. In fairness, humble ang prinsipeng ito.
"Hindi. Ako na." Giit pa niya.
"Pwede naman sa sahig na lang ako matulog." Suggest ko. Sana hindi pumayag. Sana hindi pumayag. *Fingers crossed*
"Hindi maaari." Sagot niya. Buti na lang.
"Sige tuloy.." Ayoko na din makipagtalo at baka patulugin talaga ako sa sahig. Masakit kayo 'yon sa likod.
Umabot din siya ng apple at saka kumagat dito. Sumandal ako sa headboard habang pumapapak ng grapes. Siya naman ay nakaupo sa dulo ng higaan. Pinagmasdan ko lang siya at tinago ang nararamdaman kong kilig. Ang presensya niya, ang lakas ng dating! Nakaka-intimidate but not in a bad way.
Kakaiba ang Prinsipeng ito. Hindi siya mayabang. Parang normal na tao lang din, maliban langsyempre sa tenga niya.
"Pa'no ka nga pala nakakapunta sa mundo namin?" Tanong ko.
"Dahil bukas ang lagusan." Maikli niyang sagot. Oo nga naman. 'Bat ko pa kasi tinanong? Syempre pagbukas, may papasok. Ganern? Ang galing ng logic.
"At gusto kitang makita." Dugtong pa niya. Weh? I decided na 'wag pansinin 'yong huli niyang sinabi kahit pa parang kinikiliti ang matres ko sa kilig.
"Eh bakit sarado ang lagusan ngayon?"
"Upang maiwasan ang madalas na pagtawid ng mga engkanto patungo sa mundo ninyo, at ng mga tao naman patungo rito."
"So bawal pala talaga ako dito?"
"Oo. Mahigpit na pinagbabawal ang tao dito. Kaya nga itinatago kita."
"Bakit kasi 'di niyo na lang forever sarhan ang lagusan para wala na kayong problema?" Oh 'di ba? Napakatalino ko, naisip ko 'yun!
"Hindi rin maari dahil ang lagusan ang nagsisilbing balanse ng lahat. May kailangan kami sa mundo niyo at ganoon din kayo." Paliwanag niya.
"Gano'n? Di ko masyado gets. Ano, 'di ko masyadong maintindihan." Sabi ko.
"Iisang planeta ang tinitirahan natin. Ang anumang sira sa mundo niyo ay may karampatang epekto sa mundo namin."
"So? Ano naman?" Singit ko. Low-gets talaga ako ngayon.
"Tulad halimbawa ng polusyon ninyo. Sa ngayon ay hindi pa namin nararamdaman ang epekto ngunit darating ang araw na mapapasok nito ang mundo namin. Habang maaga ay inaagapan namin ito kaya nagpapadala kami ng mga engkantado upang pigilin ang pagpasok ng polusyon dito."
"Ah ganon.. Oh eh bakit bawal ang tao dito sainyo?"
"Dahil ang mga tao ay mapaminsala at hindi mapagkakatiwalaan."
Ouch. Sakit nun ah..
"Grabe naman kayo. Napaka-judgmental niyo naman. Hindi naman lahat gano'n."
"Alam ko. Ngunit iyon na ang tumatak sa isipan ng mga engkantado simula noong..." Natigilan siya.
"Simula no'ng ano?" Nacurious ako.
"Wala."
"Sige na. Secret lang natin. Peksman!" Tinaas ko pa ang right hand ko to swear.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy