We kissed for what seems like forever. Gano'n pala ang halik ng engkanto! For the first time in my life I felt genuinely loved in the arms of Pio. Oh those muscular arms! And that masculine scent! Rawwr! Oh my Pio! How could I be so lucky?
"Ikaw ngayon ay akin nang kasintahan. Tama ba?" Tanong niya. At tumango ako habang nakatingala sa kanya na parang na-hipnotize niya ako. Ang haba ng buhok ko ngayon parang gusto kong magpagupit. Mga 50 inches!
I feel so safe with him. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Pero teka nga, may boyfriend na nga ba talaga akong engkanto? Jusko! Baka may side-effect 'to!
Muntik ko nang makalimutan na nandito pa pala si Simon hanggang sa marinig namin siyang umungol sa sakit.
I shot Pio a worried look.
"Gising na siya." Bulong ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Hihingi siya sa iyo ng tawad at makakalimutan niya ang lahat."
"Ha?" Anong pinagsasabi nito?
Bigla na lang tumayo si Simon mula sa sofa at lumuhod sa harapan ko.
"I am so sorry Alex kung nabastos kita. I just.. I love you. And I.. I..felt so angry when you said you love someone else. Please forgive me. It won't happen again." Simon said almost teary eyed.
"O-kay..." I started to say but Simon got up and sat on the couch again in a robotic manner as if he was in a trance. Okay, that was weird.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong ko kay Pio.
"Wala. Kailangan niyang humingi ng tawad sa iyo."
"Tapos?"
"Hindi niya na maalala ang ginawa niya sa iyo."
"Hindi? Pa'no?"
"Ginamit ko ang kapangyarihan ko."
"Oh. Right." Nakalimutan kong engkanto nga pala 'tong kaharap ko.
"Teka.. Pwede mo bang alisin 'yong nararamdaman niya para sa 'kin? Para, you know, 'wag niya na akong kulitin." I suggested.
"Isip lang ang kaya kong palimutin Alex, hindi ang puso. Maaalala niya pa rin 'yon ngunit tatatak sa isip niya ang sinabi mong may mahal kang iba."
"Really? Cool!" I'm impressed. "So pa'no, tulala na lang ba syang ganyan?"
"Hindi." Maikling sagot niya.
Again, I saw him snap his fingers and as if on cue, Simon got up and went out of the door.
"Saan pupunta 'yon?" Tanong ko kay Pio.
"Uuwi na." Sagot niya.
"Ha? Sa ganong lagay? Baka masagasaan 'yon!"
"Babalik din siya sa dati pagnakalayo na siya. Makakalimutan niya rin na nakita niya ako."
Sumunod ako palabas kay Simon to make sure he's okay. Para siyang tuod na naglalakad sa kalsada. Mga ilang saglit pa ay pinara niya ang taxing paparaan at sumakay. So I guess, he'll be okay.
Pumasok na ako sa apartment at ngayon ako naman ang nininerbyos dahil kami na lang ni Pio sa loob. Anong gagawin ko? Should I offer some water? Juice? Some wine, maybe? Waaah! Pa'no ba mag-entertain ng isang Prinsipe? Sayawan ko kaya? Hahaha.
"Uhh.. Dy'eat? I mean, kumain ka na?" Oh my, this is so awkward.
"Hindi pa."
Patay! Naku naman Pio, bakit hindi ka pa kumain? Anong ipapakain ko sa 'yo? Hindi pa naman ako nag-stock ng prutas. Tsaka gabi na, wala ng bukas na fruit stand. Bahala na..
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy