Ang daming kwento ni Lady V. Ikwenento niya sa amin ‘yong mga experiences niya kasama ang mga tao. May mga nakakatawang kwento siya pero may malungkot din lalo na no’ng mamatay ang asawa niya dahil sa cancer. Halatang wala talaga siyang nakakausap dito kaya parang aliw na aliw siya sa amin ni Pio magkwento. Tsaka ang sasarap ng mga pagkain parang gusto ko na ditong tumira. Kaso mag-aalas kwatro na pala. Kailangan na namin umuwi.
“Uhh.. Lady V? Kailangan na po naming umuwi. Baka gabihin kami sa daan eh.” Paalam ko sa kanya. Parang nalungkot siya.
“Oh, okay.” Sabi ng matanda sabay tingin sa assistant niya. “Jen, will you please tell Leonard to drive them to Manila.”
“‘wag na po Lady V, nakakahiya naman. Magba-bus na lang po kami.”
“No, I insist.” Mataray niyang sabi.
“Okay po tuloy.” ‘Wag na kasing umarte. Ayoko rin sirain ‘yong mood niya kasi masayang masaya pa lang siya kanina.
“Bisitahin niyo ako ulit ha..” Niyakap niya kami ni Pio.
“Oo naman po.” Sagot ko sabay ngiti. “Thank you so much Lady V.” I said as I smile at her. She hugged me in response.
“Take care of her, Procopio. She’s a wonderful woman.” Sabi ni Lady V kay Pio.
Ako ba ‘yong tinutukoy niya?
Ay hindi, ‘yong assistant niya.
“Makakaasa kayo.” Sagot naman ni Pio sabay ngiti sa akin.
Nagpaalam sila sa isa’t isa.
Sumakay kami sa isang black SUV pauwi ng apartment. On the way home, ang dami kong iniisip at sa tingin ko ganoon din si Pio dahil tahimik siyang nakatingin sa labas ng bintana habang hawak ang kamay ko. Unang sumagi sa isip ko ay kung mapagkakatiwalaan nga ba si Lady V. May sagot naman agad ang isip ko. Galing noh? Sa tingin ko naman ay oo. Wala naman yata siyang dahilan para lokohin kami ni Pio. Lalo na’t pamangkin niya si Pio. But why would she give us a large amount of money for a single ring?
Baka mayaman lang talaga siya. Anyway, I don’t want to worry about it. I don’t really care as long as we’re safe. Kinabahan kasi ako kanina sa mga goons niya.
Nakatulog ako sa byahe. Pag-gising ko nasa Manels na kami. Itinuro ko kay manong driver ang direksyon papuntang apartment at mukhang kabisado niya naman ang daan. Matagal din ‘yong byahe dahil sa traffic. Mag-aalas otso na nang makarating kami.
“Anong gusto mong kainin?” Tanong ko kay Pio.
“Kahit ano.” Sagot niya.
Naghanda ako ng oat meal at nilagyan ito ng saging at grapes. Kahit ano daw eh. Tsaka medyo busog pa naman ako sa dami ng ipinahandang pagkain doon kina Lady V.
Naupo ako sa tabi niya sa sofa habang nanunuod siya ng Walking Dead. Nasa kalahati na siya ng Season 2.
“Uy. Bilisan mo ang dami ng seasons niyan.” Sabi ko sa kanya.
“Ha?” Tanong niya.
“Wala. Eto oh tikman mo.” Iniabot ko sa kanya ang bowl ng oatmeal at sabay kaming kumain at nanuod.
“Masarap.” Aprub sa kanya.
“Syemps. Healthy pa.” Sagot ko sabay subo ng grapes. “Ano gagawin mo dito bukas? May pasok na ako sa trabaho.” Sabi ko sa kanya.
“Hindi ko alam. Pwede ba akong sumama?” Sagot niya.
“Hmm. Hindi pwede eh mapapagalitan ako ng boss ko.” I pout as if stressing my point. Actually, parang gusto ko ‘yong idea na may nagbabantay sa ‘kin na magandang lalake habang nagtatrabaho. I doubt kung makapag-focus ako nito… pati ‘yong mga katrabaho ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy