Chapter 40: Shady

10.4K 285 8
                                    



The day went by so slowly and I'm really looking forward to going home. Patapos pa lang ang araw at bukas naman baka tanghali pa kami makauwi. That's like 18 more hours. Ang tagal pa! Hay..

Sabay-sabay kaming nag-dinner ng mga katrabaho ko and it was a hearty meal. Sira na naman ang diet ko! Kaso keber na, masarap eh. Daming sea-food. After namin kumain, nagtipon-tipon naman kami sa harap ng bonfire for another game.  It was a game about team participation and leadership. For a while, nakalimutan ko ang pagka-miss ko kay Pio at mas na-appreciate ko ang mga katrabaho ko. I'm really enjoying myself and their company. Ngayon ko lang sila naka-bonding ng ganito, lalo na 'yong nasa ibang department. Ang saya pala nila kasama.

Pagkatapos naman ng laro, isa-isa nang nagsialisan ang mga department heads namin, AKA "The Wranglers" kaya naiwan kaming mga 'medyo bata' na nagkukwentuhan sa harap ng bon fire. 'Yong iba naman nagkanya-kanyang pasok na sa mga kwarto nila. Papasok na nga rin sana ako para magpahinga kaso kinulit na naman ako ni Simon na makipagkwentuhan muna. Sabagay, hindi pa naman ako masyadong inaantok at ang ganda pa naman ng gabi.

Okay. Onto our bonfire situation. We all sat around the fire, staring at it, nang magsimulang mag-asaran at biruan ang grupo sa pamumuno  ng mga bakla kong katrabaho. Simula sa wholesome jokes, straight itong napunta sa dirty jokes. Tawa kami nang tawa, sumasakit na nga ang panga ko eh. Naisip ko na naman tuloy si Pio. Siguro kung nandito siya, malamang na-corrupt na ang isip no'n sa mga pinagsasabi nitong mga katrabaho ko. I decided to text him to see how he's doing so I grabbed my phone from my pocket. Hmm.. Wala man lang siyang text? Nakapagtataka. I excused myself from the group and headed to a certain distance to call Pio. I was about to panic when he didn't answer within the fifth ring. But finally he answered with a sleepy voice and I was relieved.

"Alex? Pasensya na nakatulog  na ako. Napagod kasi ako kanina sa paglalakad." Paliwanag niya.

"Ah, okay lang. Sa'n ka pumunta?" Tanong ko. Parang gumala lang siya at pagod na pagod. Hmm..

"Ah.. Naglibot-libot lang. Nag-ingat naman ako. Anong oras ka darating bukas?" Tanong niya and for some reason it seems like he's trying to change the subject.

"Hindi ko alam eh, baka tanghali na kami makauwi." Sagot ko.

"Ah, gano'n ba." Sagot niya. He sounds disappointed.

"Bakit, nami-miss mo na ba ako?" Biro ko sa kanya. Nakita ko si Simon na sumasayaw sa may apoy. Parang timang talaga! Then I saw some of my co-workers join him in the dance. They're having fun.

"Oo naman, Alex. Hindi ako sanay na wala ka dito." He sounds so sincere kaya naman sobrang touched ako. I miss him so bad.. Kung pwede lang umuwi agad-agad ginawa ko na, kaso I have no other choice but to wait until tomorrow.

Arf!

What the heck was that? Biglang nagbago ang mood ko nang may narinig akong tahol ng aso sa kabilang linya. Hindi naman malakas pero alam kong tahol 'yon ng aso.  Bigla akong nagduda.

"Pio, nasa'n ka? Bakit may aso d'yan?" Tanong ko agad.

"Ha? Wala naman aso dito. Nasa kwarto na ako." Sagot niya naman.

"Hmm.. may narinig ako eh." Para na naman akong praning na pinakikinggan ang background noise niya. Natahimik ako pero wala na 'yong tunog.

"Wala naman akong narinig." Sagot niya. Pero may narinig nga ako! Lumipad na naman ang imahinasyon ko. Baka nasa labas pa ngayon si Pio at... O baka naman sa kapitbahay 'yon pero ang alam ko walang aso sa ibang apartments na katabi namin. Hmmm.. Tamang hinala na naman tuloy ako. Tsk. 'Wag lang talagang magsisinungaling sa 'kin si Pio at........

"Ah, okay. Sige matulog ka na ulit." Sabi ko at ibinaba ko na ang telepono nang walang paalam. Natulala ako. Just the thought of Pio lying to me makes me sick! Hindi ko yata kakayanin! Pero baka naman nag-o-over-think lang ako. Ano ba naman kasi 'yon? Guni-guni ko yata. Pero nga.. I know what I heard!

Napapraning ako! Ayokong magkatotoo 'yong panaginip ko. Mababaliw ako! Dahan-dahan akong naglakad papunta sa grupo habang hindi ko parin maalis sa isip ko ang mga pagdududa ko. Waah! Not my Pio. Not my Prince. He's different!

Well,  I might be ovethinking things a little bit but then again, it's better to worry than be sorry, right?

"Hoy! Alex! Anyare sa 'yo?" Sigaw ng isa sa mga katrabaho kong bakla na nagsasayaw. Tiningnan niya ako na parang nawawala ako sa sarili ko.

"Hala, na-engkanto yata!" Dugtong naman ni Simon. "'Wag ka kasi pumupunta sa madilim!" Pang-aasar niya pa at nagtawanan sila.

You're right. Na-engkanto nga ako... ng boyfriend kong engkanto.

Kinaumagahan, ang aga kong nagising dahil mas kating-kati akong umuwi. Kaso ang bad news: hapon pa raw kami uuwi. Anu ba yan! Inis na inis talaga ako nang malaman ko 'yon. Akala ko kasi makakauwi na ako. Actually tapos naman na ang activity, 'yong mga katrabaho ko lang ang ayaw pang umuwi. Tinawagan ko si Pio pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nag-text lang siya at nagtanong kung anong oras ako uuuwi. Sinagot ko siya na mamayang gabi pa but when I get the chance ay uuwi na ako at susurpresahin ko siya sa kung anong pinagkakaabalahan niya. Hmp.

That chance came around ten in the morning. May isa kasing katrabaho ko ang nagkaroon ng emergency sa bahay nila at kailangan makauwi agad. I grabbed the opportunity and my things at sinundan ko siya.

"Uwi ka na? Sabay na tayo." Sabi ko sa kanya. Feeling close ako.

"Sige, tara." She answered with a worried look. Hindi ko na siya inistorbo pa at parang ang dami niyang iniisip tsaka meron din naman akong sariling problema. Iniisip ko kung ano ang dadatnan ko pagdating ko sa apartment. Pio, you better not be fooling around!

So we got out of Puerto Galera. Naghiwalay na kami no'ng kasama ko since iba naman ang destinasyon niya. Agad akong sumakay sa unang bus na nakita ko papuntang Manila. Gusto ko na kasi talagang makauwi para ma-knows ko na kung anong pinaggagawa ni Pio habang wala ako. I tried to relax on my seat kaso hindi man lang ako makatulog sa byahe dahil sa inis ko sa magjowang katabi ko na panay ang harutan. Ugh! Ang lalandi!

Maghihiwalay rin kayo. I thought bitterly. Then I had to take my words, I mean my thoughts, back for fear na bumalik sa akin ang sumpa. Waah! Joke lang po Lord!

Lumipat na lang ako ng upuan para hindi na ako magkasala.

Isang oras pa lang ang byahe nang huminto ang bus. Nang silipin ko sa unahan ay nakita ko ang haba ng pila ng mga sasakyan. Ang malas ko naman talaga! Malamang road repairs na naman 'yan. Ang daming inaayos na kalsada ngayon eh. Tsk. Nakaalis nga ng maaga eh parang gagabihin din ako ng uwi nito. Hindi ko alam kung nasaan na kami. I don't remember this place. Malapit na ba?

Tinanong ko ang kundoktor kung nasaan na kami kaso hindi niya ako pinansin. Hindi niya yata narinig o baka masyado siyang busy sa pang-uusyoso. Bakit? May artista ba? Kahit ako tuloy na-curious na rin kaya itinaas ko ang kurtina pero hindi ko naman matanaw ang puno't dulo ng traffic na 'to. Siguro ay road repairs lang talaga o baka may nangyaring aksidente.

I decided to wait it out and get back on my thoughts. Ibababa ko na sana ang kurtina nang may kumuha ng atensyon ko. Sa 'di kalayuan nakita kong may dalawang lalake ang bumaba mula sa bus, mukhang nagtatalo sila at patingin-tingin pa sa paligid. But what really caught my eyes were the attire they're wearing.

Tulad na tulad ng suot ni Ibarro.

 

Shit! Mga engkanto!





Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon