Mahirap maghanap ng bagong apartment kahit pa marami ng paupahan ngayon. Nakalimang beses na kaming nagtanong. Usually kasi isang kwarto lang. 'Yong iba naman sobrang laki na halos isang pamilya ang kasya. Hindi rin nakatulong ang maalinsangang panahon. Nakakawala ng poise dahil sobrang pawis na pawis na ako. Samantalang si Pio naman, parang wala lang sa kanya kahit pinagpapawisan siya.
"Alex, Pawis na pawis ka na." Sabi niya sabay kuha ng panyo sa bulsa niya para punasan ako.
"Oo nga eh, ikaw parang wala lang." Sagot ko.
"Matagal kasi akong hindi nakalabas sa ganitong panahon."
"Hay naku, ganito dito palagi. Laging maaraw, baka magsawa ka." Sabi ko sa kanya. "Hali ka, do'n tayo." Hinila ko siya. May nakita kasi akong building na may sign na 'FOR RENT'. Limang palapag ito at sa tingin ko ay bagong construct pa lamang dahil may mga scaffoldings pa sa labas.
Nilapitan namin ito at nagtanong sa gwardiyang nakabantay sa gate.
"Kuya, pwede po bang matingnan 'yong loob?" Tanong ko guard. As usual, si Pio ay nagmamasid lang. Ako talaga 'yong spokesperson dito eh.
"Sandali lang po tawagin ko 'yong Landlady." Sabi niya sabay talikod. Mukhang maganda 'tong lugar tsaka mas malapit sa pinagtatrabahohan ko. Isang sakay na lang papunta do'n. Sana lang may magandang kwarto.
May lumabas na ale kasama 'yong guard na kausap namin kanina.
"Good morning po.. May bakante pa po ba? 'Yong may dalawang kwarto?" Tanong ko sa ale.
"Meron pa naman. Kaso sa second floor na." Sagot niya. Sumulyap siya kay Pio at bahagyang kumunot ang noo. "Pasok kayo."
Nagsimula siyang maglakad at sinundan namin siya.
"Kayo bang dalawa ang titira?" Tanong niya.
Hindi, 'yong mga pusang gala sa kalye.
"Opo." 'Yung utak ko lang ang pilosopo pero hindi ko naman talaga kayang sabihin.
"May mga trabaho na ba kayo?" Tanong niya.
Bakit? Mukha ba kaming studyanteng nagtanan?
"Meron po. Actually malapit lang dito ang pinagtatrabahohan ko."
"Siya? Boyfriend mo?"
Ay usyosera!
Mainit yata ang ulo ko gawa ng init ng panahon. Gano'n talaga ako, medyo rude. Pero hanggang sa isip ko lang naman. Mas malala nga lang 'pag gutom ako dahil lumalabas talaga ang pagkamaldita ko.
"Opo." Mahinahon ko pa rin siyang sinagot habang papaakyat kami ng hagdan.
"Wala ng bakante sa sa first floor. May nakatira na kasi sa lahat ng unit do'n. Ito naman, dalawang kwarto 'to tsaka may nakaabang din na pwede paglagyan ng aircon. May sampayan din d'yan sa likod." Sabi ng ale habang hinahanap kung alin ang susi para sa door na 'to.
"Ah.. Hmm.." Sagot ko sa pinagsasabi ng ale. Pagod na kasi talaga ako tsaka uhaw na rin ako. Sana ito na. Sana last na 'to..
Sa wakas ay nabuksan niya rin. Bumungad sa amin ang may kalakihan na apartment. First impression ko: Maganda. Malawak ito kung tutuusin para sa dalawang kwarto lang. Nakatiles na rin ito at ang kulay ng pintura ay mint green. Napakapresko sa mata. But what really caught my eyes is the kitchen.
"Ang cute ng kitchen." I said to no one in particular. Hindi ito masyadong malaki as expected ngunit meron itong nook na pangarap ko talaga kung magkakaroon lang ako ng sariling bahay. May mga built-in cabinets na rin. I can see myself spending more time in the kitchen.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasíaWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy