Pag-gising ko kinaumagahan nasa kwarto ko na ako. How did I get here? Binuhat niya ba ako? Hindi ko man lang namalayan. Ang himbing siguro ng tulog ko o baka ginamitan niya ako ng kapangyarihan niya. Lumabas ako at nakita kong tulog pa rin sya. Nilapitan ko sya at hinaplos ang mukha niya dahilan para magising siya.
“Natapos ko iyong pinanuod natin kagabi.” He said in a groggy voice.
“Talaga? Sorry natulugan kita. May sunod pa do’n, gusto mo panuorin mamaya?”
Ngumiti sya at tumango. Nakakatuwa talaga sya. Nagustuhan niya rin pala.
“Sige, mamayang gabi ulit. Magluluto muna ako ng pagkain na ‘tin.”
“Pwede mo ba akong turuan magluto?”
“Ha? Bakit?”
“Gusto ko ako maghanda ng pagkain mo.”
“Seryoso ka?”
"Oo."
Sumunod siya sa ‘kin sa kusina. Kinuha ko ang hotdog at itlog mula sa ref.
“Ganito ang pagprito ng itlog.” Tinuro ko sa kanya step-by-step at nagsample ako ng pagprito ng isang itlog. “Ikaw naman nito.” Iniabot ko sa kanya ang isang itlog. Surprisingly, nakuha niya agad. Amazing!
“Ngayon naman, itong hotdog. Babalatan mo muna tapos ilagay mo na sa kawali. Dapat ‘wag masunog.” Iniabot ko sa kanya ang sandok. “Ikaw naman… ‘yan, ganyan… galing!” Ngumiti sya sa ‘kin and I melted. Hay….
“Ako na ang magluluto para sa iyo simula ngayon.” Ani ni Pio.
“Talaga? Kaya mo?” Hamon ko sa kanya habang nagtitimpla ako ng kape.
“Oo. Basta turuan mo lang ako.” Sabay ngiti siya at kindat sa ‘kin.
“Hahaha! Sa’n mo naman natutunan yan? May pakindat-kindat ka nang nalalaman dyan. Hahaha.”
“Napanuod ko.” Sabay tawa rin siya.
“Ikaw talaga. Dami mo nang alam. O, ito tikman mo.” Iniabot ko sakanya ang mug ng kape. “Dahan-dahan lang mainit yan.”
He took a sip and immediately his eyes lit up. “Masarap.” Sabi niya.
“Sige, ipapagtitimpla rin kita. Oh ikaw na bahala magluto dyan ha. Bye..” Tinawanan ko siya.
Later that afternoon lumabas kami ni Pio para mamasyal. Pinagsuot ko siya ng bago niyang damit at bonet and bagay na naman sa kanya. Lahat na lang! Syempre tinapatan ko rin sa porma si Pio, mahirap na, baka mapagkamalan akong personal alalay ng isang Brazilian model. He held my hand as we walk at mamatay na sa inggit ang mga girls na nagtitinginan kay Pio! Bwahaha. He’s mine!
We ate at a restaurant and watched a movie after. Because you see, I plan to make him a movie addict just like myself. We basically did what normal couples do on dates and he seems to be enjoying himself which made me wonder if he misses his home.
“Namimiss mo ba ang kaharian niyo?” Tanong ko sa kanya.
“Oo naman. Naalala ko ang mga kaibigan ko. Nalulungkot din ako na malayo sa pamilya ko. Ngunit masaya ako na nandito sa mundo mo, kasama ka, mahal ko.” Seryosong sagot niya.
Aww.. Hindi pa rin ako sanay na may nagsasabi sa akin ng mga ganitong bagay. Nahihiya ako kaya nginitian ko na lang siya. Pinisil niya ang pisngi ko at niyakap ako.
Matagal din kaming naglibot-libot hanggang sa gumabi na. Pagod na ako kaya niyaya ko na siyang umuwi pagkatapos naming mag-dinner.
On the way home, tahimik akong nag-isip kung sino ba ang natulungan ko at biniyayaan ako ng ganito ni Lord. I silently thank Him and I glanced at the man beside me. The only man who ever loved me this way.
Wooh! I’m suddenly being overly dramatic.
Pagdating namin sa apartment, nakita kong naiwan ko lang palang exposed ang mga alahas ni Pio. Buti na lang walang magnanakaw na pumasok. Tsk. Maybe I should do something about this. Now na!
“Pio, gusto mo bang ibenta ‘tong isa mong singsing?” Tanong ko sa kanya habang nagbubukas siya ng TV. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na nakikita si Pio na ginagawa ang mga ginagawa ng tao. Parang ang weird kasi, para sa akin ay engkanto pa rin siya.
“Oo. Hindi ko naman kailangan yan.” Sagot niya habang isinasalang ang Season 2 DVD ng Walking Dead. Adik na talaga.
“Okay.”
Saan ko naman kaya ‘to ibebenta? Sa pawnshop kasi baka baratin ako ng nag-a-assess. What about online? Hmm.. I searched the net and found this website of jewelry collection owned by a certain Lady V. I doubted at first but was later on convinced that it is legit judging from the reviews on the website. Pinoy rin siguro ang may ari nito dahil may ilang nag-comment sa Tagalog. Kinuhanan ko ng picture ang isang singsing ni Pio at isinubmit ito sa website kasama ng e-mail ad at contact number ko. Hindi naman ako nag-expect pero makalipas ang halos isang oras ay may tumawag na unknown number sa cellphone ko habang nanunuod kami ni Pio.
“Hello, good evening. This is Jen Fernandez from the Lady V website. We’ve received and reviewed your submission and we would like to make an offer.” Sabi ng babae sa kabilang linya.
“Ah-huh..” Napataas ako ng kilay dahil baka ginu-good time lang ako nito.
“Yes. We are very interested to make a generous offer for the item if you could go to the address we emailed you, tomorrow.”
“Tomorrow is Sunday.” I said.
“Yes. Lady V has made an exception for this and she would like to meet you personally.”
“Really?” Sagot ko. Sabay taas ulit ng kilay.
“Yes ma’am. We hope to see you. Thank you and good bye.”
“Wait-“ The line went dead. Antipatikang babaeng yo’n. Hmp. Binuksan ko ang mail box ko at may e-mail nga. Ito ang laman:
Dear Ms. Sevilla;
This e-mail will be automatically deleted after you close this message.
We hope you have a good memory.
Napakunot noo na lang ako. Kahit ‘yong message eh antipatika. Hmp. Of course I have a good memory that is why I’m getting a paper. Huh! Akala niyo ha. Pero bilib ako sa security system nila. Isinulat ko ang address; address ito sa isang exclusive subdivision sa Tagaytay.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy