Chapter 48: Life Goes On

10.1K 292 12
                                    


Maganda ang gising ko ngayon dahil maganda rin ang napanaginipan ko. Nakakakilig! Hanggang ngayon nga ay namimilipit pa rin ako sa kilig. Sandali ilalabas ko lang 'to. Naiihi lang pala ako.

Habang nakaupo ako sa trono ko ay nakangiti pa rin ako. Sa panaginip ko kasi, nasa beach ako, gabi na, tapos bilog ang buwan. Tapos... tapos... may kasama akong lalake, nakaakbay siya sa akin habang hawak-hawak niya ang isang kamay ko. Tapos... tapos... ayon. Tapos na. Hindi ko na maalala. Uggh! How I wish na may makaimbento ng recorder ng panaginip para nare-rewind ko ang mga napapanaginipan ko. Ang saya siguro no'n no? Kainis kasi hindi ko man lang nakita ang mukha no'ng lalake. Baka siya na ang Mr. right ko. Kinikilig pa naman ako sakanya. Tsk, bakit ba ako kinakilig? Ni hindi ko nga nakita 'yong mukha. Baka si Diego lang 'yon o si Dagul. Pero kahit na. Kinikilig pa rin ako. Choosy pa ba?

I went on with my day and my routine. From time to time, I can still feel that weird and sometimes creepy feeling but I decided to just ignore it. Ayoko pang mabaliw 'no! Focus na lang sa trabaho. Ang dami pa namang articles ang naka-assign sa akin ngayon. Ang saya! Busy bee ako ngayon.

"Hoy Alex!" Panggugulat ni Simon sa akin dahilan para halos mahulog ako sa upuan ko.

"Anak ng!" Gusto ko sana siyang murahin buti at napigilan ko. "Ano ka ba? Makukunan ako sa 'yo!" Bulyaw ko sa kanya sabay palo ng malakas sa braso niya at sabay kurot pa.

"Aray naman! Bakit? Buntis ka?! Nabuntis ka na ba no'ng boyfriend mo?" Seryosong tanong niya. Nakatingin siya sa akin at naghihintay lang ng sagot ko. Uto-uto talaga 'to!

"Tse!" Inirapan ko siya. Kainis 'to! "Wala akong boyfriend!" Isa pa 'to eh. Kailangan talaga ipamukha sa akin na single ako?

"Uyy! Break na kayo?" Tanong niya. Nakakairita talaga siya minsan. I mean, most of the time.

"Oo eh, nahuli ko kasing sinusuot ang bistida at panty ko." Sagot ko para sakyan ang biro niya. Tawa naman nang tawa ang loko-loko.

"Hahaha! 'Yan kasi! Sabi kasing tayo na lang, 'yan tuloy. May Janet na ako." Sagot niya na para bang nangiingit at nainggit naman daw ako ng konti. Bakit ko nga ba binasted si Simon noon? Ah! Kasi, hindi ko siya type dati pero ngayon parang nagagwapuhan ako sa kanya. Hala... Ano ba 'to? Ayoko na, ayoko na. Akala ko ba nakakainis siya?

"Hmp. Umalis ka na nga! I'm trying to work here. Iniistorbo mo 'ko." Sabi ko at inirapan ko siya.

"Sandali. Sandali lang naman. Labas tayo mamaya. Ipapakilala ko na si Janet sa'yo." Sabi niya kasabay ng malaking ngiti at pataas-taas ng kilay.

"Bakit? Ako ba ang nanay mo? Ha? At saakin mo ipapakilala?" Sarcastic na sagot ko. Tumawa siya ng malakas kaya nagtinginan ang iba kong katrabaho na busy sa kani-kanilang trabaho habang kami ay nagchichismisan dito.

"Hindi. Hindi. 'Di ba sabi mo gusto mong makilala si Janet?" Tanong niya.

"Sinabi ko ba 'yon? Kelan?" Pang-aasar ko sa kanya at nakita ko siyang sumimangot. Pero seriously, hindi ko talaga maalalang sinabi ko 'yon.

"Oo kaya!" Sabay pout siya ng lips. Bakit ba ang cute nito ngayon? Sarap tadyakan! "So, ano, sama ka?"

"Tayo lang tatlo? Ano ako third wheel? Sa ganda kong 'to!" Tawa na naman siya. Natatanong ko tuloy sa sarili ko kung mukha ba akong Joker?

"Oh 'di isama mo 'yong boyfriend mo."

"Tang i—wala nga akong boypren 'di ba?" Sus. Mapapamura ako sa taong 'to. Naku-cute-an akong naiirita dito kay Simon. Tini-testing yata ang pasensya ko.

"Okay. Okay." Sabi niya, natakot yata sa mukha ko na pa-beastmode na. "Ganito na lang, isasama ko 'yong kaibigan kong si Andrew mamaya. Single rin 'yon. Para masaya 'di ba?" He gave me a creepy smile.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon