Chapter 45: Goodbye

9.4K 323 22
                                    


I went back to the hospital as fast as I can after doing some errands which include taking care of Axel. I was hoping to arrive at the hospital with Pio awake but he's still in the same state since I left. I feel like I was run over by a train. My head is aching so bad and my knees are shaking. Probably because I still haven't eaten.

Lady V had to go home so I was left alone with Pio. I've never felt so tired in my life. I was so drained but my tears seemed to be unrelenting. My eyes hurt but I just couldn't stop crying. I walked to his bed and held his hand. It's not as cold as before and he looks so peaceful in his sleep.

"Pio, gising ka na please." I said, squeezing his hand. "Magpo-propose propose ka tapos tutulugan mo lang ako. Ang daya mo naman." And I was crying again.

"Bakit ka naman ganyan? You're making me so sad. 'Di ba ayaw mong malungkot ako? Gising ka na please." Sabi ko sa kanya na para bang maririnig niya ako. Out of nowhere biglang may pumasok na nurse so I was forced to wipe my tears away. She didn't say a word, although I know she saw my miserable state. She proceeded to check on Pio and the IV fluid dangling on the stand. She wrote something on the chart she's holding.

"Miss, kumusta na siya? Ano ba daw ang sakit niya?" Tanong ko sa nurse in between sniffles.

"Ma'am, magra-rounds naman po si Doc mayamaya lang. Hintayin na lang po natin siya." She said with a tired smile.

"Ah okay." The nurse left and I waited. Gusto ko pa sana siyang kulitin pero naupo na lang ako sa sofa at naghintay sa doctor. What happened to you Pio?

"Missis... Missis.." Sabi ng boses. Nakatulog pala ako. Pag-dilat ko nasa loob na ng kwarto ang doctor at dalawang nurses na siya namang nagche-check ulit kay Pio. Agad akong bumangon at tumabi sa higaan ni Pio.

"Sorry doc, nakatulog ako." Nahihiyang sabi ko. "Kumusta na po siya? Ano po ang sakit niya?" Tanong ko agad sa doctor. Buti na lang at hindi siya ang doctor na natarayan ko kanina. Nakakahiya kasi kung nagkataon.

"We can't seem to find anything wrong with him yet." She answered then gave a frown while looking at Pio with a concerned look.

"Ha?"

"Hindi pa namin malaman kung anong sakit niya." Alam ko. Itrinanslate mo lang naman sa tagalog.

"Eh bakit po nadatnan ko siyang maputla at nanlalamig kanina?" I asked instead.

"'Yan ang inaalam pa namin. Wala pang conclusive result. Ayaw naman namin magbigay ng haka-haka so we really have to wait. Okay ba missis?" Sabi ng doctor. This is the second time someone called me missis today but I didn't bother correcting her this time. On a different circumstance I think I would have found the 'Missis' remark flattering.

Nang makaalis na sila ay naisip kong tabihan si Pio sa higaan niya at yakapin pero baka pagalitan ako ng sunod na nurse na papasok. So I settled on the uncomforting and cold couch that is purposely there for the watcher.

Nahiga ako at nag-isip kung ano ba ang posibleng dahilan para magkaganito si Pio. Kanina lang naman siya nagreklamo na masakit ang ulo niya. Nag-aalala ako na baka may malala siyang sakit at itinago niya sa akin. Huwag naman sana.

----

Alam kong nananaginip ako dahil nakikita ko ang sarili kong tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit, basta takbo ako nang takbo... Ang dilim. Parang nasa gubat ako. Wala akong makita noong una then I saw him... Ang hari... Natakot ako. Siya ang tinatakasan ko. He looks angry and demonic. The look on his face frightened me so I willed myself to wake up but I couldn't.

Hindi ako makagalaw, hindi ako makasigaw.

Papalapit na siya sa akin.

Mas lalo akong nag-panic.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon