Chapter 14: Day out

22.8K 703 19
                                    


Dinala niya ako sa napakalaking hardin. Lahat na yata ng klase ng bulaklak ay narito; iba't-ibang kulay. Sa dulo nito ay isang ilog na sa tingin ko ay karugtong ng ilog na pinuntahan namin kagabi. Ngayon ay kasing kulay ito ng langit. Napakatahimik ng lugar at napakasarap ng simoy ng hangin. Ngayon lang ako nakakakita ng ganito.

If only he were my boyfriend I would have called this place romantic.

Pumitas siya ng Tulips at binigay sa 'kin. Pinasalamatan ko siya at sinubkang itago ang nararamdaman kong kilig.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko. I literally froze! I don't know how to react. Nasabi ko na lang, "Ang ganda dito noh?" with a nervous smile.

"Dito ako palaging pumupunta kapag gusto kong mapag-isa." Sagot niya habang nakatingin sa malayo. Tiningnan ko siya and he looks almost like a god. How could I be so lucky?

"Oo nga, napakatahimik ng lugar na 'to." Sagot ko sabay lingon sa ibang direksyon upang palihim na kiligin!

Nagsimula siyang maglakad habang hawak-hawak ang kamay ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.  Sino ba namang mag-aakalang totoo ang mga engkanto at makakakilala ko. Ka-HHWW ko pa! Kung panaginip ito sana 'wag na akong magising. Comatose kung comatose na! 

Kidding aside, I've never felt this way before. He was leading the way and I can't help but stare at our intertwined fingers. It just...feels.... so good.

Bigla siyang lumingon at nahuli niya akong nakatatingin sa magkahawak naming mga kamay. Tiningan niya rin ito at saka sya bumitaw.

"A- pasensya ka na. Nakalimutan ko ang napagusapan natin." Sabi niya.

Sige na, okay lang na hawakan mo ang kamay ko. In fact, 'wag mo nang bitawan. Sayo na ang kamay ko. Sagot ko sa isip ko pero sa halip ay ngumiti na lang ako. Napansin kong simula ng makilala ko si Pio ay naging mahinhin na ako. Aba! Achievement 'to!

Naupo kami sa isang malaking bato at pinagmasdan ang napakagandang lugar na ito. "Kwentohan mo naman ako ng tungkol sa iyo." Aniya.

"Tungkol naman sa'n?" Tanong ko.

"Kahit ano. Gusto kong magkakilala tayo." Tugon niya.

"Ah.. pa'no ba? Hmm.." Hindi ko alam ang sasabihin ko baka kasi hindi sya maka-relate. At saka wala namang kwenta ang buhay ko. "Magtanong ka na lang tapos sasagutin ko."

"Sige.. Paano ba mabuhay sa mundo niyo?" Tanong niya.

"Ay naku, mahirap! Minsan malungkot, minsan naman masaya; kailangan magtrabaho dahil kung hindi magugutom ka tapos pagpunta pa sa trabaho mausok at ma-traffic. Araw-araw ganun ang ginagawa ko. Nakakapagod! Sa mundo namin, kailangan mong makipagsabayan kung hindi maiiwan ka." Dami kong sinabi. Naactivate yata ang pagkamadaldal ko. Tiningnan ko siya at parang nalilito sya sa pinagsasabi ko. Sabi ko na nga ba eh 'di sya makaka-relate.

"Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong niya.

"Wala na akong mga magulang. Matagal na silang wala." Kahit nalungkot ako sa tanong niya ay sinagot ko pa rin.

"Saan nagpunta?" He asked innocently.

Ay malamang sumakabilang buhay na! Minsan talaga parang gusto kong kurotin sa pisngi ang engkantong 'to kapag hindi niya nage-gets ang sinasabi ko. Ang cute kasi!

"Ayon! Nasa langit na sila pareho." Sagot ko.

"Ah, pumanaw na. Nasaan ang mga kapatid mo?" Tanong pa niya.

"Wala naman akong mga kapatid." Do'n ako nalungkot.

"Mag-isa ka lang?"

Ay ang kulit! Kasasabi ko lang 'di ba? Na wala akong kapatid. Hay naku. 'Wag ko na lang patulan. "Opo, mag-isa lang ako." Mahinahong sagot ko.

"Ang lungkot naman noon, walang nag-aalaga sa iyo. Marahil iyon ang dahilan kung bakit may lungkot sa iyong mga mata sa tuwing pinagmamasdan kita sa pag-daan mo. Hayaan mo, simula ngayon nandito ako para sa iyo."

Aww.. na-touched ako.

"Salamat Pio.." I pat him on his shoulder and I think he got confused by that gesture.

Bumalik kami sa bulwagan at ngayon ay marami ng mga engkantado ang naririto. Nakasunod sa amin si Alena at ang dalawang kawal. Kinakabahan ako pero hindi ako nagpahalata. Dito ko napansin na mababait ang mga engkanto. Lahat kasi ng masalubong namin ay nakangiti at bumabati sa akin kahit hindi nila ako kilala. Nginitian ko rin sila.

Nakakatuwang tingnan na lahat sila ay masayang nag-uusap. Ang mga bata ay masayang naglalaro. Parang wala silang mga problema dito. Sana ganito rin sa mundo ko.

Dinala ako ni Pio kung saan makikita ang kabuuan ng kaharian. Halos maiyak ako dahil sa pagkamangha. Hindi ko inakala na nasa bundok pala ang kaharian na ito. Ang mga bahay ng engkanto ay gawa sa bato at may hugis dahon na bubong. Pinagdudugtong ito ng malalaking tulay na gawa rin sa bato. Sa tuktok ay naro'n ang palasyo na sa tingin ko ay tinitirhan ng hari at reyna.

"Gusto mo bang makilala ang mga magulang ko?" Nagulat ako nang bigla syang nagtanong.

"Ha? Ayoko. Natatakot ako." Sagot ko.

"Wala ka namang dapat na ikatakot."

 "'Wag na muna siguro. Baka mahalata ako eh. Hindi ko pa alam kung paano kayo umakto." Katwiran ko.

"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa iyo." Sabi niya.

"Ehh.. Parang hindi magandang ideya yan eh." Sagot ko. 

"Sige na.." Giit niya pa. "Ayaw ko rin naman na naglilihim sa mga magulang ko kaya ipapakilala na kita bilang tao." Dagdag niya.

"Ha? Eh 'di ba nga ayaw nila sa mga tao? Para sa'n pa at tinago mo ako nung una?" 

"Sa tingin ko naman ay maiintindihan nila ako."

"Pero, Pio..."

"Sige na... Hindi ba sinabi mo na hindi lahat ng tao ay masama. Alam kong mabuti kang tao kaya matatanggap ka nila." Paliwanag niya.

'Yun ang nagpakumbinse sa 'kin at bigla kong naisip na dapat ay magustuhan nila ako.

Bumalik kami sa bulwagan at pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay papunta sa palasyo ng hari at reyna. Kinakabahan talaga ako.

I crossed my fingers. Here goes nothing....


Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon