Wala akong makita nang magising ako. Sobrang dilim kahit alam kong hindi naman ako nakapiring. Ang sakit ng ulo ko. Anong bang nangyari? Nasaan ako?
"Pio, asan ka!?" Sigaw ko nang maalala ko ang huling nangyari. Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makagalaw. Doon ko naramdaman na nakatali ako sa aking kinauupuan. Nagsimula na akong mag-panic.
"Pio!" Sigaw ko ulit.
"Alex, nandito ako." Alam kong boses iyon ni Pio pero hindi ko siya makita dahil sa sobrang dilim. Kakaiba ang amoy dito, parang amoy lumot. Nasaan ba kami? Ipinikit ko nang ilang beses ang mata ko para makapag-adjust sa dilim. Ilang segundo pa ay naaninag ko rin siya. Tulad ko, nakatali rin siya sa kinauupuan niya pero malayo siya sa akin.
"Nasa'n tayo?" Tanong ko kay Pio.
"Hindi ko alam, Alex." Sagot ni Pio at tumingin-tingin siya sa palagid. Sinusubukan niyang makawala pero hindi niya magawa. Wala akong ideya kung nasaan kami.
"Sorry, Pio. Sana hindi na lang kita niyayang lumabas. Sana pumirmi na lang tayo sa apartment. Hindi sana nangyari 'to." Nagsisisi ko. Kasalan ko naman kasi, alam ko naman na mapanganib.
"Hindi kita sinisisi, Alex. Hindi mo kasalan ito." Sagot ni Pio.
"Pero kasi—"
"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Gagawa ako ng paraan. Makakaalis tayo rito. Kailangan ko lang—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa tunod ng mga yapak na paparating. May naanininag akong liwanag mula sa malayo. Habang papalapit ito ay parang sasabog ang dibdib ko sa takot.
"Pio.." Pabulong na tawag ko.
"Gising na pala ang ating mga bisita." Nagsalita ang lalake. Siya rin yata ang lalakeng narinig ko kanina sa kotse. Siya si Amar. "Kumusta kayo?" Dugtong niya. May mga kasama siyang mga lalakeng nakakatakot ang itsura. Hindi siya sinagot ni Pio.
"Isuot niyo sa kanya ang regalo ko." Sabi ni Amar sa mga kasama niya. Lumapit ang mga lalake kay Pio at kinalagan siya. "At huwag kang magtatangkang gamitin ang kapangyarihan mo, kung hindi ay papatayin ko siya." Turo niya sa akin. Nakita kong ngumiti siya sa akin at kinilabutan ako.
Sinuotan nila si Pio ng isang mahabang damit. Tumingin siya sa akin nang may pag-aalala. Hindi siya nanglaban tulad ng sabi ng lalake dahil alam kong ayaw niyang masaktan ako.
"Ayan... 'Like father, like son' ika nga ng mga tao. Maligayang pagdating sa aking munting kaharian ng Atrona. Ako si Amar, ang iyong tunay na ama." Kumpirma niya sa hinala ko. Siya ang lalake sa kotse na dumukot sa amin.
"Atrona?"Inulit ni Pio.
"Tama ang iyong narinig." Sagot ni Amar.
"Hindi maaari."
"Bakit hindi?" Nangingising tanong ni Amar.
"Dahil isa kang tao at mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok sa Atrona maliban sa Hari at Reyna ng ibang kaharian."
"Sinong may sabi? At sino ang nagsabing isa akong tao?" Natatawang tanong ni Amar. Hindi sumagot si Pio. "Sandali.... Iyan ba ang kwento ni Filomino sa iyo? Napakadali niya talagang paniwalain." Tumawa siya at umalingawngaw ito.
"Nasaan ang hari ng Atrona?"
"Sino? Si Agor? Matagal na siyang patay. Matagal ko na siyang pinatay!" Sagot niya sabay tawa na para bang walang mali sa sinabi niya.
"Ano? Napakasama mo talaga!"
"Ako, masama? Dapat lang 'yon sa kanya!"
"Ano ba ang kailangan mo sa amin? Pakawalan mo kami ngayon din!" Sigaw ni Pio.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasíaWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy