Chapter 2: Nasaan Ako?

33.9K 1K 29
                                    

Paggising ko ay parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Hangover ituuu. Tsk. Kailangan ko na yatang magbawas sa paglalalabas nang gabi dahil muntik na akong ma--

Teka, sandali, nasa'n ako?

Tiningnan ko ang paligid at doon ko napagtanto na wala ako sa apartment ko. Oo, 'yong kagabi. Anong nangyari kagabi? Bumangon ako at doon ko naramdaman ang sakit sa braso at bewang ko. Na-rape na ba ako? Shit! Pinakiramdaman ko ang katawan ko at wala naman akong nararamdamang masakit sa maselang bahagi ng katawan ko. Okay. Okay. Hindi ako na-rape.

Pero nasaan ba ako? Anong lugar ba 'to? Hindi ko na matandaan kung anong nangyari kagabi. Naglibot-libot ako upang mag-imbistiga. This place looks weird. Merong mga kumikislap na bagay sa dingding. Mukang mga diyamante. Ang sahig ay puting marmol. Marmol nga ba? Basta. Tiningnan ko ang higaan at pati ang bed sheets ay kumikislap. At ang OA ng size nito. Mas malaki pa yata sa California King Bed! Mayaman yata ang may-ari nito. Kaso ang weird talaga ng disenyo ng kwarto dahil may mga sanga ng puno sa haligi.

Hinanap ko ang pinto pero wala itong pinto. Oh no! Doon ako nagsimulang mag-panic.

"Hello? Tao po?" Sigaw ko. Ngunit walang sumagot.

"Tao pooo!" Gusto ko nang umuwi! Umikot ako pero wala talagang pinto. Teka, baka naman may secret passage dito. Asan ba ang pindutan?

"Hoy! Palabasin niyo ako dito!" Muling sigaw ko. Walang sumagot pero naramdaman kong may presensya sa likod ko. Hindi naman multo. Basta naramdaman ko meron. Dahan-dahan akong lumingon dahil kinakabahan ako.

Isang matangkad na lalake ang kaharap ko. Nakasuot ito ng mahabang damit na kumikislap at may mahabang buhok. Ito ba 'yong lalake kagabi? Hindi ako sigurado dahil madilim noon.

"Uhm.. Sir? 'asan po ako? Pwede niyo po ba akong tulungan makauwi?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Hindi siya kumibo bagkos ay tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa. Aba, walang modo pala to eh. Kinakausap nang matino hindi sumasagot. Tinaasan pa ako ng kilay. Bading ka kuya? Hmp! Pero infairness, gwapo siya. Mukha nga lang masungit.

Sige. Try ko ulit. Naglakad ako palapit sa kanya pero umatras naman ito. Aba! May nakakahawang sakit ba ako? Doon ko na napansin na may pinto pala sa likod niya. Wala naman 'yon kanina ah! What kind of sorcery is this?

Naglakad ako papunta sa pinto pero hinarangan niya ako. Bumangga ako sa dibdib niya na sobrang tigas. Oo, matigas talaga!

"Kuya, please. Gusto ko nang umuwi." Tiningala ko siya upang magmakaawa. Despite the heels I'm wearing, he still towers over me. Hindi pa rin siya nagsasalita.

Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ko. Bingi ba siya? Anong balak niya sa akin? Natatakot na ako.

"Please, gusto ko nang umuwi.." Hindi ko na napigilan at nagsimulang mag-unahan ang mga luha ko. Kagabi, may nangmanyak sa akin tapos muntik na akong ma-rape; Ngayon naman kinidnap ako ng lalakeng ito.

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Tinangala ko siya at nakita ko ang maganda niyang mukha. He's got this genuine concern on his face as he wipe my tears with his hand.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon