Kinaumagahan, sabay kaming lumabas ng apartment ni Pio. Ako papuntang trabaho, siya papunta naman sa barbero. It rhymes! Gusto ko sana siyang samahan sa first haircut niya pero baka ma-late naman ako sa trabaho. Tsaka para naman akong nanay n'yan na nagbabantay sa pagpapagupit ng anak ko. Okay na rin 'yon para, surpise mamaya pag-uwi ko. Tinuro ko lang sa kanya kung saan ang barber's shop. Malapit lang naman iyon sa apartment namin kaya hindi naman siguro siya maliligaw.
Napansin ko lang parang laging kalmado si Pio. Hindi ko pa natatandaan na nag-panic siya or what. Kahit sa apartment, siya 'yong kahit naiiwan ko laging mag-isa parang wala lang; kayang kaya niya ang sarili niya kahit lahat bago lang sa kanya. Siguro gano'n talaga 'pag Prinsipe, cool.
"Ipakita mo na lang 'yang picture sa cellphone mo." Sabi ko sa kanya. Kagabi kasi ay nag-download na ako no'ng hairstyle na gusto niya dahil baka hindi sila magkaintindihan ng barbero. Sana naman ay mabigyang hustisya ng barbero ang unang gupit ni Pio dahil pag-minurder niya ang buhok ni Pio ay ipapa-blotter ko talaga siya.
"Okay." Sagot niya at natawa ako dahil first-time ko siyang narinig na nagsabi ng 'okay'. Napangiti rin siya.
"'wag ka nga palang magpapaniwala sa mga kwentong barbero ha." Dugtong ko pa. Ayoko kasing maging "barbers" siya.
"Bakit?" Tanong niya. Nangunot ang noo niya sa pagkalito.
"Basta." Sagot ko sabay ngisi. "O sige, ba-bye na." I reached out to him for a kiss. Ang tangkad niya kasi, nagmumukha akong unano.
"Sige, mahal kita." Sagot niya. Hmm.. Para akong nakalanghap ng mabangong utot dahil sa kilig. Kahit nakokornihan talaga ako sa salitang mahal kita 'pag si Pio na ang nagsabi parang wooh! Sarap sa pakiramdam.
"Lab you." Sagot ko na may halong pa-cute pa. Naghiwalay na kami papunta sa kanya-kanya naming destinasyon.
On the way to work may nakita akong babaeng familiar ang mukha. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita tsaka ang dami kasing tao kaya hindi ko masyadong natitigan ang mukha niya. Anyway, I made a mental note to buy Pio a hair-gel para sa bago niyang hairstyle. Ang arte 'no, nasa apartment lang naman siya. Bakit ba? Gusto ko lang! Tsaka Prinsipe 'yon, he deserves every bit of pampering, kahit minsan inaalila ko siya. Hehe. Alangan naman kasi kunan ko pa ng yaya eh hindi naman siya baby. Well, he's my baby but that's a different thing. Tsaka mahirap na may kasama siya sa apartment dahil baka mabuking siya.
Pagdating ko sa trabaho ay nagulat ako dahil nando'n si Simon sa cubicle ko nakaupo. Sa tingin ko kanina pa 'to naghihintay sa akin. Nakangiti siyang abot tenga.
"Hmm. Anong nasinghot mo?" Tanong ko sa kanya. Para kasing ewan 'yong ngiti niya.
"Pwet mo. Hahaha!" Pang-aasar niya. Kahit minsan nakukulitan ako kay Simon masaya ako na purely pagkakaibigan na lang ang namamagitan sa amin. Siya lang kasi ang naging pinakamalapit sa akin na kaibigan.
"Gago! Lumayas ka nga dito." Bulyaw ko sa kanya pero ang totoo natutuwa ako sa asaran namin.
"Haha. Wait lang. May sasabihin ako." Sabi niya na nakangiti pa rin.
"Ano? Mangungutang ka? Hindi pwede, may pinapaaral akong boylet." Nagkunwari akong inis.
"Lupet! Ano ba 'yang boyfriend mo hayskul? Hahaha!" Sarcastic na sagot niya.
"Hindi. Grade 6!" Sagot ko at inirapan ko siya.
"Hahaha! Seryoso na." He paused. "Kami na!" Balita niya.
"Nino?" Tanong ko.
"Ni Janet." Sagot niya na may pataas-taas pa ng kilay. Parang timang talaga.
"Sino naman 'yon?" Tanong ko. Pero alam ko kung sino dahil nakwento na niya sa akin 'yon.
"Si Janet. 'Yong kinwento ko sa 'yo-"
"Tara, kape tayo." Singit ko at sumunod siya sa 'kin papunta sa vending machine.
"... na nakilala ko on the way here. So we went on dates and we got along then we decided to make it official." Sabi niya.
"Wow, fast and the furious ang peg." Puri ko sa kanya na may halong sarcasm. Pipindot pa lang ako para kumuha ng kape kaso inunahan niya ako. Kainis talaga pero hinayaan ko na lang.
"What? Bakit pa namin patatagalin eh gusto naman namin ang isa't-isa." Sagot niya habang nagdi-dispense siya sa pangalawang kape na siyang inabot niya sa akin.
"Ok. Fine. Kelan ang kasal?" I asked impatiently.
"Alex, you're not taking me seriously!" Angal niya. Naiinis na yata siya sa pambabara ko. Nakasimangot na siya at nagsimulang maglakad papunta sa cubicle namin. Ngayon ko lang siya nakitang napikon nang ganito. He must be serious with this girl.
"Sorry na. I'm happy for you, okay?" Tawag ko at para siyang bata na ang bilis patawanin.
"Thanks. See you later..." Abot tenga ang ngiti niya papunta sa sarili niyang cubicle.
Later that afternoon nang malapit na akong umuwi ay nag-text ako kay Pio para kumustahin siya pero hindi siya sumagot. Naisip ko baka busy siya o kaya nanunuod lang ng TV kaya hinayaan ko muna. Makalipas ang isang oras, nakabili na 'ko't lahat-lahat ay wala pa rin siyang text. Lagi naman 'yon nagre-reply dahil mahilig 'yon mag-text sa akin kaya nakapagtataka na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sagot. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi rin siya sumasagot. Ayoko sanang mag-panic agad pero ano pa ba ang pwedeng dahilan para hindi niya sagutin ang tawag ko? Hindi kaya........
Nagmamadali akong umuwi dahil sa pag-aalala. Kahit 'yong taxi driver ay napagdiskitahan ko pa.
"Manong pakibilisan po. Nagmamadali ako eh." Binilisan niya naman. Tinawagan ko ulit si Pio pero hindi talaga siya sumasagot.
Pio, what are you doing?
"Manong, bilis po.." Hirit ko pa kay manong.
"Ma'am, gusto niyo po bang maaksidente tayo?" Sagot ng taxi driver na medyo nairita sa kakamadali ko sa kanya.
"Sorry po, nagmamadali kasi ako." Sagot ko habang paulit-ulit na dina-dial ang numero ni Pio.
Sumagot ka na kasi Pio!
"Hanggang dito na lang ang pwede kong ibilis miss." Sagot ng taxi driver. Hindi na ako sumagot pa sa kanya. Sinubukan ko ulit na tawagan si Pio.
Still, no answer. Ano ba Pio!
Noong nadaanan namin ang lugar kung saan nakita ko 'yong familiar na babae doon ko naalala kung sino siya. Siya si Alena, ang tagapagsilbi ni Pio sa kaharian nila.
Isa lang ang ibig sabihin nito.
Noo! Shit! They're here.
Pagkababa ko sa taxi ay nagmamadali akong pumasok sa building ng apartment namin. Halos madapa pa nga ako dahil nanghihina na rin ang tuhod ko dahil sa gutom. O baka sa nerbyos. Pagdating ko, nakasara lang 'yong pinto pero hindi ito naka-lock.
Agad-agad kong binuksan ang pinto sa pagmamadali. Pagpasok ko, nakatayo si Pio sa may hapag-kainan at masayang nagkukwento sa harap ng isang lalake at isang babae na masaya ring nakikinig. Nang mapansin nila ako ay natigilan sila. Nilingon ako ng dalawang bisita at doon ko sila nakilala.
Ang babae ay si Alena at ang lalake ay isa sa mga kawal niya.
Please comment and vote. Thanks!
![](https://img.wattpad.com/cover/26130708-288-k588192.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy