Chapter 52 The Traitor

72 3 0
                                        

Pakiramdam ni Gian ay parang nananaginip lamang siya.

Hanggang sa makalabas sila ng gusali at pauwi na ay tila wala siya sa sarili at hindi pumapasok sa kanyang sistema ang mga nangyayari.

Parang napakabilis at heto Presidente na siya sa kumpanyang ni sa hinagap ay hindi niya naisip man lang.

"Are you okay honey?"

Napalingon siya sa katabing si Ellah, nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

"O-oo naman."

"Namumutla ka?"

"Ha?"

Tumawa ito na ikinatawa niya rin.

Tumingin siya sa paligid at napansin ang mga kasamahang gwardya na naroon sa kanyang likuran.

Dumako ang mga mata niya sa nakasukbit na baril sa tagiliran ng isa sa mga ito.

Matagal-matagal na ring hindi siya nakahawak ng armas.

At mukhang mas lalo pang matatagalan hanggang sa hindi na siya makakahawak pa.

Napatingin siya kay don Jaime, kausap nito ang mga opisyal sa labas ng gusali.

"Ang galing ni lolo ano? Imagine walang tumutol sa gusto niya?"

"Tama ka, uuwi na ba tayo?"

"Nope, mag lunch tayo sa labas kasama ang mga opisyal."

Tumango-tango siya.

Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya may mangyayaring masama.

'Huwag naman sana.'

"Ms. Ellah!"

Napalingon sila sa tumawag.

"Welcome back and congratulations! Sa wakas nakabalik na rin kayo ni Chairman."

"Oo salamat, mabuti na lang maayos na ang lahat."

Nilingon siya nito. "Congratulations sir Gian!"

"Salamat."

Niyakap nito ang dalaga.
"Nag-aalala ako nang mabalitaan ko ang nangyaring pagdukot sa'yo. Bakit hindi mo sinabi?"

"Shh, walang dapat makakaalam no'n tsaka saan mo nalaman?"

Tumiim ang tingin niya sa babae at habang hinihintay ang sagot nito.

"Ah, teka lang ha may tumatawag."

Umalerto si Gian at sinundan ang babaeng papalayo.

Kapag ito ang traydor hinding-hindi niya palalagpasin!

Nang mawala na ito sa nagkukumpulang mga tao ay saka niya hinila sa kamay na ikinagulat ng babae.

"Jen sandali."

"Oh sir Gian bakit po?"

"Walang kaming pinagsabihan tungkol sa pag kidnap kay Ellah kanino mo nalaman?"

Tumiim ang tingin niya rito at hinintay ang tama nitong isasagot huwag itong magkamali dahil hindi niya palalagpasin kahit pa kaibigan ito ni Ellah dahil walang kaibigan na magawang mag traydor sa kaibigan niya.

" Kay Brian bakit may problema po ba?"

Napansin niya ang pagtataka at pangamba sa mga mata ng babae.

Kay Brian niya nalaman?

Alam ni Brian ang lahat kaya kung totoo ang sinasabi nito, hindi ito ang traydor.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon