CHAPTER 8 The Recovery

950 36 0
                                    


"HA?!"

Napasugod ito palapit sa binata saka lang napalingon sa dalaga.

"May bisita ka pala, good evening madam."

Tumango lang si Ellah.

"O heto na pare sa susunod ingatan mo na 'yan, nakuha ko sa bar 'yan buti na lang itinago ng mga staff doon." Iniabot 'yon ni Vince sa kanya.

Nang tumuon ang kanyang pansin sa sa sumbrero ay hindi niya mapigilang isipin ang panganib na sinuong niya makuha lang ito sa gitna ng bakbakan. Muntik na niyang ibinuwis ang buhay hindi lang ito mawala ngunit ngayon ay parang wala ng halaga kagaya ng pagbabalewala ng dalaga sa mga nagawa niya.

"Itapon mo hindi ko na 'yan kailangan."

Napapikit si Ellah sa narinig.

"Gian pare, hindi biro ang paghahanap ko diyan tapos ipapatapon mo? Eh hindi ba't halos magkandarapa ka nang hindi mo ito makita? Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Tumahimik ka nga! "

Pumormal ang anyo ng kaibigan.

"Pinaghirapan ko 'yan kaya 'wag mong basta ipapatapon sa akin dahil para mo na rin akong inuto, pinahanap tapos ipapatapon? Lintek! Kung alam ko lang sana itinapon ko na!"

"Daldal mo! Nandiyan ang boss ko."

"Ha?" Napalingon ito sa dalaga.

Napakurap si Ellah.

"Ah, tama, hindi ko kayo agad nakilala madam, napakaganda niyo pala sa personal!"

"Vince," saway ni Gian.

Alam kasi ng binata na ayaw nito ang pinupuri.


"Pero kayo madam ang nagbigay nito sa kaibigan ko hindi ba?"

"O-oo"

"Para pagtakpan ang mukha niya gano'n ba madam?"

Kumunot ang noo ng amo.

"Vince tama na, lumabas ka na nga!" saway niya uli.

"Sandali lang may itatanong lang ako eh, bakit niyo 'yon ginawa madam?"

"Ha?" Na blangko ang dalaga.

"Ginawa niyo ba 'yon para maitago ang mukha ng kaibigan kong umaapaw sa kagwapuhan?"

Hindi napigilan ni Ellah ang mapangiti.

" Sabihin niyo madam, pangit ba ang kaibigan ko?"

"Ha?"

"O sige, iibahin ko ang tanong, nagugwapuhan ba kayo sa kaibigan ko?"




Napalunok ang dalaga.

"Tigilan mo na nga 'yan, lumabas ka na. " Naiiritang saway niya uli.

"Gian pare, gusto kong may malaman eh. O ano madam, gwapo ba ang kaibigan ko para sa inyo?"

"M-medyo."

"Medyo? Pero nagawa niyong pagtakpan ang mukha niya? Sabihin niyo madam, 'yan ba ang medyo sa inyo?"

Hindi makatingin ang dalaga.

"Vince ano ba, tama na 'yan!"




"Madam, ilang porsiyento ang itsura ni Gian para sa inyo?"

Napatanga ang dalaga. Tinitigan siya sa mukha, bigla siyang nahiya kaya yumuko siya.

Ngani-nganing batukan na niya ang bwesit na kaibigan.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon