CHAPTER 37 The Reality

645 21 0
                                    


"Villareal, I have something to tell you."

Bungad ng boss niya pagpasok ng opisina nito.

"Sir," sumaludo siya rito na tinugon nito.

Ipinatawag siya dahil may ibibigay daw itong trabaho.

"Sit down please."

Umupo siya paharap sa amo.

"Gusto kong ikaw ang gumawa niyan."

May iniabot itong envelop kaya tinanggap niya.

Hawak ng binata ang isang folder at binuksa ito bumungad ang isang larawan na kilala niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

"That will be your mission Villareal. "

Umangat ang tingin niya sa kanilang head.

Mahirap sa kanya ang pinapagawa nitong trabaho dahil masasangkot si don Jaime.

"Sir, you know I never complain pero ngayon ay nagtatrabaho ho ako kay don Jaime kaya baka magkaproblema tayo."

"I understand, pero ikaw lang ang pinaniwalaan kong makakaya ng problemang 'yan. "

"Thank you sir. "

Umupo ang head at tinitigan siya sa mata, kaya naman yumuko siya.

"Napakalaki ng problemang 'yan and I will give you twenty four hours to make your decision."

Huminga ng malalim ang binata, ibinalik niya ang folder sa envelop bago tumayo.

"Thank you sir."

Sumaludo siya at tinugon nito.

Lumabas siyang mabigat ang kalooban.

Sanay siya sa mahihirap na misyon at laging nakataya ang kanyang buhay pero ni minsan ay hindi siya natakot ngayon lang.

Ngayon lang dahil nakataya ang nag-iisang taong pinahahalagahan ng kanyang minamahal.

Ngayon, kailangan niya ng isang kaibigan.

Kailangan niya ng may makakausap.

At hindi naman siya tinanggihan ng kanyang nag-iisang matalik na kaibigan.

Agad itong nagpunta sa bar kung saan inabutan siyang umiinom.

"Pare, mabuti nakarating ka."

"Oo naman, narinig kong may ibinigay sa'yo ang head."

Sinalinan niya ng alak sa isa pang baso ang kaibigan nang makaupo ito sa kanyang tabi.

"Iyon na nga eh, wala sanang problema kung si congressman lang."

"Sa totoo lang pare, medyo mahirap 'yan, dahil sangkot ang lolo ng nobya mo. "

"Hndi naman talaga derekta, pero kaibigan niya si congressman. "

Lumagok ito ng alak.

"Pero hindi ba dati humingi siya ng alas laban sa congressman?"

"Iyon ay kung may gagawing hindi maganda sa kanya, pero sa ngayon walang ginagawa. Higit sa lahat, kilala ako ng anak, paano ko magagawa ng maayos?"

"Iyan ang pinakamalaking problema."

Ang Congressman na tinutukoy nito ay si Dela Vega na siyang hiningian nito ng ebidensiya.

"Tama ka, pero hindi 'yon alam ng head natin. Wala siyang alam na konektado ako sa mga 'yon. "

Noong panahong naka engkwentro nila ni Ellah ang anak ni Congressman Dela Vega ay hindi niya ipinaalam sa opisina nila dahil hindi ito parte ng kanyang misyon.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon