CHAPTER 32 The Disclosure

670 25 0
                                    


Malakas ang ulan kaya nagpasya si Gian na dalhin muna siya sa tinitirhan nito.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nabasa?"
Naghubad ito ng sapatos at medyas.

"Hindi naman, ipinahiram mo kasi sa akin ang jacket mo, ikaw itong basang basa. "

Sinulyapan niya ang mga paa ng binata, napakalinis ng mga kuko at napakaiksi.

Wala na talaga siyang maipintas sa pa rito.
Malinis na, mabango pa!
Kahit natural na amoy ni Gian ay nakakaadik.

"Magpapalit lang ako ng damit, " anito at pumasok sa kwarto.

"Sige. " Hinubad niya ang suot na sandalyas.

Tumayo siya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. Maliit pero maayos at masinop. May mga nakasabit na larawan ng isang pamilya. Masayang nakangiti ang mga ito.
Natitiyak niyang ang mga magulang ni Gian 'yon at ang nasa gitna ay ang lalaking pinakamamahal niya.
Sa wakas ay naamin niya.

Maya-maya pa bumalik na ang binata  bagama' t pambahay lang ang  t-shirt na puti at maong na pantalon ang suot nito ay hindi maitatangging napakagwapo pa rin.

"Nauuhaw ka ba?"

"Medyo. "

"Sandali lang. " Pumunta ng kusina ang binata.

Nang bumalik si Gian may dala na itong pitsel na may lamang tubig at baso, ipinatong nito sa mesa.

"Uminom ka muna para hindi ka magkasakit."

Sinalinan nito ang baso at inabot sa kanya.

"Salamat," tipid siyang ngumiti at tinanggap ito saka uminom.

Naupo ang binata sa sofa, pinagmasdan niya ang pantalon nito.

"Bakit hindi ka pa nagpambahay?"

"Nakakahiya sa'yo."

Natawa siya at umupo sa kabilang dulo ng sofa habang ito naman ay nasa kabilang dulo rin.

"Pag hinto ng ulan, ihahatid na kita sa inyo. "

Dahil sa narinig ay nag-iba ang kanyang timpla. Napalis ang kanyang mga ngiti.

"Ayoko pang umuwi, galit ako kay lolo. "

Lumapit si Gian sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hindi ka dapat magalit sa lolo mo Ellah, naiintindihan ko siya.
Nag-alala lang siya para sa kapakanan mo, " malumanay nitong saad pero hindi sapat para pakalmahin ang umaahong galit sa kanyang dibdib.

"Kapakanan? Huh! Hindi na siya nakikinig sa akin, pinipilit na niya akong sundin ang mga gusto niya!" tumaas ang kanyang boses.

Kinabig siya ng binata at niyakap.

"Ginagawa ko lahat ng ipinag-uutos niya pati na rin sa pakikipagkita sa ibat-ibang lalaki, ang pag-iwas sa 'yo. Sa bawat araw na iniisip ko ang tuluyan nating paglayo parang hindi ako makahinga, pero tiniis ko ang lahat alang-alang sa kanya!"
Nangilid ang kanyang mga luha pero pinipigilan niya ang mapaiyak.

"Huwag mo ng isipin 'yon ang mahalaga, nakawala ka sa paghihirap mo. "

Niyakap niya ang binata.

"Ang sabi ni lolo, hindi kita kilala, pero hindi gano' n ang nararamdaman ko. Kapag kasama kita pakiramdam ko palagi akong ligtas at walang dapat katakutan. "

"Tama si don Jaime, hindi mo ako kilala at natatakot siya na tuluyang mahulog ka sa akin at naiintindihan ko siya. "

Kumalas ang dalaga.



WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon