Magaling!"
Matapos ang usapan ay hinarap sila ng senior.
Inihanda niya ang sarili sa madugong labanan kung sakali.
"Bumalik na tayo ngayon din."
Napalunok siya.
"Bakit Roman? May problema ba?"
Hinarap siya nito.
"May balita na tungkol sa nawawala mong pinsang si Villareal.
Hindi ba napopoot ka rin sa kanya?
Pagkakataon mo ng gumanti. Sa oras na makita ko ang hayop na 'yon dudurugin ko siya ng pinong-pino!"Napalunok siya at nakahinga ng maluwag.
Wala pang binanggit si Isabel.
Wala pa.
Napapikit ang binata.
Habang pabalik sila sa mansyon ay tumahimik na siya ng husto bagay na ikinapagtaka ng kasama.
"May problema ba hijo?"
"I'm just thinking Roman. Saan nakakuha ng ganyang impormasyon ang anak mo?"
Tumawa ang kausap. "Magugulat ka, sa isang dating kakampi ng kalaban na ngayon ay kakampi na natin." Dumilim ang anyo nito.
" Tuso nga lang ang babaeng 'yon dahil ang kapalit ng impormasyon ay isang bilyon."
Tumiim ang kanyang bagang.
'Kung gano'n isang bilyon ang halaga ko? Hayop ka Isabel!'
"Magaling! Siguraduhin niyo lang na tama ang impormasyong makukuha ninyo. Kapag alam niyo na kung saan ang Villareal na 'yon..." hinarap niya ang senior. "Ipaalam mo agad sa akin, ako mismo ang papatay sa hayop na 'yon!" singhal niya sa kausap.
Humalakhak si Roman. "Easy man, easy," tinapik-tapik nito ang kanyang balikat.
Ngumisi siya kahit na hindi pa tuluyang napanatag.
Hanggat narito pa siya sa teretoryo ng kalaban ay walang puwang ang kapanatagan.
Bawat oras, minuto o segundo ay posibleng magsasalita si Isabel.
"Isang bilyon kapalit ng impormasyon? Masyadong malaki 'yan Roman, gawin mong isang milyon."
Sa kanyang pagtataka ay humagalpak ng tawa ang kasama. "Nakakatawa naman 'yan, mula sa bilyon naging milyon?"
"Mura lang ang buhay ng Villareal na 'yon, isang pipitsuging pulis na ngayon ay takas sa batas, masyadong maswerte kung isang bilyon ang halaga ng buhay niya."
"Hmm, tama ka pero baka hindi papayag ang impormante sa sinabi mo?"
Nilingon niya ito at pinormalan ang mukha. "Roman, ang taong gipit kahit magkano ang ibigay mo tatanggapin. Gipit siya ngayon lalo na at Lopez ang kinalaban niya."
Tumango-tango ito bago ngumiti. "Bilib na ako sa'yo Acuesta, hindi ko naisip ang bagay na 'yan ah?"
Ngumiti rin siya.
"Talagang hindi ako nagkamali na maging kaibigan ka.
Tumalim ang tingin niya sa kawalan. 'Hindi ka tatanggap ng isang bilyon Isabel, masyado kang maswerte para magkaroon ng gano'n kalaking halaga.'
"We're here!" anunsiyo ng senior.
Nasa loob na sila ng mansyon.
Unti-unti na siyang nakahinga ng maluwag.
Naghiwalay na sila ni senior Roman at pasimply siyang nag text kay Warren.
Magkita tayo mamaya sasabihin ko kung saan. Magpapaalam ka lang.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...