Sa pagbabalik ni don Jaime sa sariling kumpanya ay inabangan ito ng lahat ng empleyado.
Nakahilera ang mga ito katulad ng utos ni Ellah.
Magkasabay silang naglalakad ng lolo niya papasok ng kumpanya kasama ang mga gwardya.
Balik na sa dati ang lahat.
“Good morning Chairman! ”
"Good morning Ms. Ellah!"
"Good morning," sabay na tugon ng maglolo bago pumasok sa elevator na silang dalawa lang patungo sa conference room.
Nagpatawag ito ng meeting para sa lahat.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na nabalik na sa atin ang kumpanya. Salamat kay Gian."
"Opo, ginawa niya lahat para hindi niyo na raw po maranasan ang mabigo."
"Napakabuti niya."
Tumango ang dalaga.
'Talagang napakabuti ng mahal ko.'
Pagdating sa silid ay naroon na ang lahat ng natirang opisyal, nakaupo ang mga ito palibot sa isang mahabang mesa, ngunit nang makita sila ay tumayo ang mga ito at sabay silang binati.
"Good morning Chairman, Ms. Ellah!"
"Good morning please sit down," ani don Jaime.
Umupo ang lahat at tinungo ng don ang upuan sa harapan, tumabi siya rito.
"Kumusta kayo?"
Nagkatinginan ang lahat at ang iba ay tumikhim pero walang sumagot.
"Siguro alam niyo na kung ano ang tunay na nangyari?
Nahawakan ng iba ang ating pinakamamahal na kumpanya gano'n pa man hindi naman nagtagal 'yon."Tumango-tango ang mga naroon.
"Aasahan ko na wala ng traydor sa kumpanyang ito dahil hindi ako mangingiming tanggalin kayo!"
Katahimikan.
"Kung hindi ninyo alam ay tinulungan ako ng dating gwardyang si Gian Villareal para makuhang muli ang kumpanyang ito."
Nagkatinginan ang mga ito at umugong ang bulungan.
"Sa pagbabalik ni Gian ay hindi na bilang isang gwardya. Inaasahan kong igagalang ninyo ang taong tumulong sa ating lahat para maibalik sa atin ang kumpanyang ito."
"Chairman pwede ho bang magtanong?"
Lumipad ang tingin nila sa lalaking nagsalita.
"Yes Mr. Valdez?"
Saka lang niya napansing nakabalik na pala ang dalawa.
"Ano na ho ang magiging posisyon ni sir Gian?"
"Wala."
Nagkatinginan ang lahat.
"Hangga't hindi sila ikakasal ng apo ko ay wala siyang magiging tungkulin sa kumpanyang ito."
"Paano po 'pag nakasal sila?" Si Salazar 'yon.
"Kapag nakasal na sila ang magiging posisyon niya..."
Inilibot ni don Jaime ang tingin sa lahat. "...ay presidente."Umugong ang matinding bulungan na tila tumututol.
"Ako pa rin ang magiging Chairman ng kumpanya kaya huwag kayong mabahala."
"Mr. Chairman hindi ba wala namang masyadong karanasan si Gian paano niya pamumunuan ang kumpanya?" Ang Vice President 'yon.
"Gagabayan namin siya ng apo ko," sinulyapan siya ng lolo niya bago hinarap ang lahat.
"Higit sa lahat, tutulungan ninyo si Gian."
![](https://img.wattpad.com/cover/90192550-288-k208162.jpg)
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomantizmWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...