Napabuga ng hangin ang binata at matamang nag-isip.
Nalilito na siya kung sino ang susundin.
Gusto ng isip niyang sunugin ang bahay ngunit ayaw ng puso niya.
Puno ng ala-ala ang bahay na ito.
Ang bahay niya ang naging saksi ng kanyang tagumpay at kabiguan.
Ngunit ang saksi na ito ay maglalaho na kung susunugin niya.
Subalit kung hindi niya susundin si Vince ay buhay niya ang manganganib.
Kapalit ng kanyang bahay ay ang kanyang buhay.
Nagtapos ang usapan nila ng kaibigan na hindi siya nagbigay ng desisyon.
Papunta na raw ito at hihintayin na lang nila.
Tahimik silang nagliligpit ni Isabel ng mga dokumento.
"Ga, tama naman si Vince. Sunugin mo na lang ito, hayaan mo na lang na mabura ang ala-ala ninyo ni Ellah dito."
Napailing siya.
Kanina puro tutol si Isabel ngayong nalaman nitong sangkot si Ellah ay sumasang-ayon na.
Gusto niya sanang sabihin 'yon mabuti at napigilan niya ang sarili.
"Sayang ang ala-ala namin ni Ellah-"
"Ellah! Ellah!"
Nagtaka siya nang biglang inihampas ni Isabel ang papeles sa mesa.
"Puro ka na lang Ellah! May Ellah syndrome ka na!"
Nagtiim ang kanyang bagang sa narinig.
"Ngayon alam mo na kung gaano ko siya kamahal tigilan mo na ang inggit Isabel wala ka ng magagawa."
Umawang ang bibig nito sa narinig na tila hindi makapaniwalang nilingon siya.
"Hindi ako nagseselos lang Gian!
Nag-aalala akong mapahamak ka!
Ganyan pala tingin mo sa akin?
Nagseselos lang kaya umaayaw na?My God!
Ang babaw mo naman!
Samantalang inaalala ko ang kaligtasan mo!""Ayokong sabihin 'to Isabel pero lahat ng ginagawa mo ay may halong lihim na intensyon.
Lahat!
Kahit hindi ako abogado pero hindi ako gano' n kabobo para hindi ka mahalata!""Ano?" lumarawan ang galit at hinanakit sa anyo ng babae.
"Lihim na intensyon? Gano'n pala tingin mo sa akin! Pwes ayoko na!"Nagmartsa ito palabas.
Gusto niyang batukan ang sarili dahil kapag sangkot si Ellah lahat nakakalimutan niya.
"Isabel!"
Ngunit hindi nakinig ang babae kaya sinundan niya.
"Isabel bumalik ka rito!"
"Ayoko na Gian! Bahala ka sa buhay mo!"
"At saan ka naman pupunta ngayong gabi attorney?"
Natigilan ito maging siya.
Nasa harapan nila si Vince at tila may kung anong dalang galon.
Nakauniporme pa ito ng pang PDEA.
"Vince pare?"
"Ang buong akala ko abo na lang ang aabutan ko, hindi pa pala.
Anim hanggang pitong oras lang ang byahe ng kalaban.
At nasa Ipil na sila pero kayo heto at nagtatalo pa?"
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...