Sinundan ni Gian ang lalaking kabababa lang ng kotse nito. At hiniklas niya sa kwelyo ng damit."Ikaw ba ang may gawa? "
"S-sino ka! " gulat na gulat nitong tanong.
"Kilala mo ako! Sinabihan na kita pero hindi ka pa rin nagtino!"
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"
"Don't play games with me! Sino ang nagbigay ng larawan kay don Jaime?"
Umatras siya at tinutukan ito ng baril sa ulo.
"S-sandali lang, hindi ako ang may gawa noon Gian, maniwala ka, " nakataas ng kamay ng lalaki.
Lumapit siya ng isang hakbang.
"Gian, maniwala ka hindi ako!"
"Kung gano'n sino ang gumawa?"
" H-hindi ko alam. "
"Sino!" Ikinasa niya ang baril at muling itinutok sa noo nito.
Nanlalamig ang lalaki.
"Maniwala ka hindi ko talaga alam!" Lumuhod ito sa kanyang harapan.
"You are lying! Sino!" Ipinutok niya ang baril sa gilid ng lalaki.
" S-si Javier!"
Hindi na siya nagulat. Kinumpirma lang niya.
Ito ang lalaking idiniin niya noon sa restroom kasama ng isa pa. At ang mga ito ay tauhan ng taong binanggit nito.
Ibinaba niya ang baril.
"Bakit mo 'to ginagawa? Hindi ba amo mo si Javier? Sa ginagawa mo tinatraydor mo siya. If I am not mistaken ikaw ang magsusumbong kay don Jaime sa mga paratang tungkol sa amin ni Ms. Ellah at ikaw din ang papalit sa kanya. "
Umilap ang mga mata nito.
" Hindi ba dapat ang manager ang magsasabi ng gano'n? Assistant ka lang. Naguluhan tuloy ako sa'yo kung kakampi ka ba niya o kalaban. Alin ka doon?"
Hindi nakakibo ang lalaki.
"Let me put it this way, kung kakampi ka ako ang kalaban mo, kung kalaban ka may alas ako laban sa'yo. "
Napalunok ang kaharap.
"Ngayon sabihin mo bakit mo ito ginagawa?"
Hindi pa rin ito kumibo. Alam niyang hindi ito magsasalita dahil ang tingin nito sa kanya ay kalaban. Pinaputukan niya ito malapit sa paa.
" BAKIT!"
"L-lahat ng utos niya ako ang gumagawa. Taga utos lang siya, ang dapat na credit na para sa akin sa kanya napupunta.
At galit ako sa mga demonyong tulad niya. Ako ang nagpapakahirap ng lahat pero siya ang umaani ng pinaghihirapan ko. "Ngayon alam na niya ang dahilan.
" Ngayon sabihin mo ang totoo. Sino ang nagpadala ng mga larawan namin ni Ms. Ellah kay don Jaime?"
"Sinabi ko na si Javier. "
" Hindi kaya ipinasa mo lang ang kasalanan mo sa kanya?"
"Hindi ako gagawa ng gano'ng bagay lang. "
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...