Chapter 59 The Power

53 3 0
                                    

Napatingin ang lahat ng nasa paligid sa harapan ng isang gusali nang may dumating na sunod-sunod na tatlong itim na sasakyang huminto sa tapat ng naturang gusali.

Ilang sandali pa ay magkasabay na naglabasan ang mga 
lalaking naka tuxedo sa unahan at hulihang sasakyan.

Mula sa gitnang sasakyan ay bumaba ang isa pang lalake at binuksan ang pinto.

Lahat ng mga nakatingin ay hinihintay kung sino ang nasa loob dahil naka agaw pansin ito sa lahat.

Subalit hindi kaagad bumaba ang lulan ng naturang sasakyan.

Nanatili itong nakatingin sa isang estatwang nakapiring at may timbangan sa magkabilang kamay.

Huminga ito ng malalim bago nagpasyang bumaba.

Unang nakita ng mga naroon ay ang itim na tungkod kasunod ang nagmamay-ari noon na nakayuko.

Nakasumbrero ito kaya hindi kaagad makikilala.

Mabilis namang nagsilapitan ang mga naka itim na tuxedo na mga lalaki.

Umangat ang mukha ng nakasumbrerong may tungkod at nakilala ng mga naroon.

"Si don Jaime!" anang isa sa mga ito.

Nilingon ni don Jaime ang nagsalitang babae, mabilis naman itong yumuko sa kanya bago umalis.

Kahit saan alam niyang marami na ang nakakakilala sa kanya.

Ilang sandali pa sumalubong sa kanya ang taong pakay niya rito sa korte.

May edad na rin ito kagaya niya.

"Don Jaime, kumusta? Maligayang pagdating!"
Inilahad ng kausap ang kamay nito at tinanggap niya.

"Mabuti kahit papaano Judge Valdemor."

Naglakad sila papasok kasunod ang sampung gwardya ni don Jaime.

Siya na mismo ang nagpunta upang masigurado ang kanilang pag-uusapan tungkol kay Gian.

Hindi makakapayag si don Jaime na mawalang bahala na lang ang tangkang pagpatay kay Gian.

Salvage ang tirada ng mga pulis na kasama nito.

Maraming siyang kakilala at maimpluwensiya siya para walang magawa.

Kahit paano ay napamahal na rin sa kanya ang binata.

Nais na niyang ito ang maging asawa ng kanyang nag-iisang apo.

Kung kailan tila maayos na ang lahat ay saka nangyari ito.

Habang naglalakad ay nagsitabi ang mga nakakasalubong nila.

"Judge salamat sa pagpapaunlak mong makipagkita sa akin."

"Hindi ko kayo matatanggihan don Jaime."

Tumango siya.

Dalawang taon pa lang siya sa Zamboanga nang makilala ang Judge na ito dahil sa mga kaso ng kumpanya noon na ito ang nagpanalo kaya naman bilang ganti ay tinutulungan niya ito sa lahat ng kailangan.

Ngunit hindi sila malapit na kaibigan sa isat-isa gano'n pa man palagi silang nagtutulungan sa panahon ng kagipitan.

Kagaya ngayon.

Nauna si Roman Delavega na makilala niya kasunod naman ito.

Pagdating sa opisina ay umupo silang magkaharap sa naroong sofa at sa gitna ay may dalawang tasang kape na nakapatong sa platito.

"Gusto niyo ho bang magkape don Jaime?"

"Sige lang."

Napapansin niyang tila hindi mapakali ang kaharap.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon