Gabi.
Lahat sila ay nakabantay sa binata, hinihintay kung kailan ito magigising.
Nakikita ng dalaga na halos mapuno ng benda ang katawan ng nobyo habang mahimbing itong natutulog.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin maitatanggi ang kaguwapuhan ng binata.
"Tang ina pare! Natutulog ka na lang gwapo ka pa rin!"
Napangiti ang dalaga dahil natatawa ang iba pa nilang kasama.
"Gumising ka na diyan pare, mahaba-haba na 'yang tulog mo, bumawi ka naman ng husto komo tatlong oras lang ang tulog natin. "
Napatingin sila kay Vince.
"Tatlong oras lang ang tulog niyo?" hindi napigilang tanong ni Jen.
"Sa trabaho namin kailangan lagi kaming gising. Tutulog-tulog ka hindi mo alam nasa kabaong ka na!"
Napatayo si Jen at lumapit kay Ellah.
"Gian pare, mahaba na 'yang panaginip mo, gumising ka na, nandito pa ang babaeng pakakasalan mo huwag ka munang managinip diyan. "
Ilang sandali pa, gumalaw ang daliri ng binata.
Lahat sila napalapit dito.
"Gian? Gian!" hawak ni Ellah ang isang kamay ni Gian.
"Ummm" ungol nito.
"Gian pare, gumising ka. "
Ikinurap-kurap ng binata ang mga mata."Tawagin ninyo ang doktor gising na ang kaibigan ko!"
Agad tumalima ang apat na gwardiya at saglit lang kasama na ang doktor.
"Kumusta ang pasyente?"
"Gising na ho siya dok."
Tiningnan nito ang mga mata ng binata at sinipat-sipat gamit ang isang aparato.
"Congratulations, you're alive! Pero under observations ka pa rin. "
"Salamat ho dok. " tugon ni Ellah.
"Matapang ang taong ito, " anang doktor bago umalis.
Agad nilang nilapitan si Gian na ngayon ay kumukurap-kurap pa.
"Sir Gian!" wika ni Jen.
"Kumusta ka na? Salamat at buhay ka" emosyonal na wika ng dalaga.
"Magandang gabi ho sir Gian!" wika naman ng apat na gwardya.
"Gian pare, nakikilala mo ba kami? Ako pare kilala mo ba?"
"Ikaw pa rin ang makulit na si Vince. "
"Tama. O ito, nakikita mo ba ito? Ilan ito pare?" itinaas nito ang isang kamay.
"Gago! Sa dibdib ang tama ko hindi sa ulo!"
"Pare! Buhay ka na nga!"
tumalon si Vince at dinaganan si Gian, at niyakap ng mahigpit ang binata.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...