Mariin niyang tinitigan ang apat na lalaking nakapalibot sa mapa na nasa mesa.
"Bukas ng gabi ang pinakamalaki nating misyon.
Hindi tayo dapat pumalpak sa misyong ito, iisa lang ang target natin at dapat buhay, kahit anong mangyari dapat buhay naiintindihan niyo?""Yes sir!" sagot ng apat.
Hinarap niyang muli ang mapa at may itinuro.
"Alam ko ang pasikot-sikot ng warehouse.
Pupuwesto kayo sa apat na sulok ng gusaling ito, tatlong daang metro ang distansiya nito sa warehouse.
Apat lang kayo at tig-isa ng pwesto palibutan ninyo ang warehouse sa apat na sulok nito.
Kapag nagkagipitan nakahandang ang Bravo team bilang back up natin."Tumango ang mga ito.
"Hindi tayo aatake nang harapan at hihintayin niyo ang signal ko. Paglabas ko kasama ang target humanda kayo 'pag nilingon ko na ang gusali saka ninyo papasabugin.
Hintayin ninyo ang signal ko. Ang magiging huling usapan natin ay tatanungin ko kayo kung nakahanda na kayo sa pwesto ninyo at wala ng mag-iingay."Tahimik ang lahat habang nakikinig.
"Maraming bantay sa labas ng warehouse kapag pinasabog na ang ang sasakyan saka ninyo isunod ang mga bantay sa labas. Hindi nila alam kung sino ang kalaban unless i double cross ng katransaksyon nila.
Kahit anong mangyari huwag ninyong babarilin ang target isasama ko siya sa kotse."Binalingan niya ang kaibigan.
"Vince kapag nagkagulo na pumasok ka sa kotse ko saka mo kami hintayin ng target. Bantayan mo para makasiguradong ligtas."
"Yes sir!"
"Greg ikaw sa kanan, Ryan ikaw sa kaliwa, Esiah sa harapan at ikaw Vince sa likod. Bibigyan ko kayo ng name code bawat isa."
Tumayo siya ng tuwid at mariing tinitigan ang apat.
"Kayo lang ang pupunta para walang makahalata. Pero nakasunod ang back up sa inyo. Huwag kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para walang mahalata ang kalaban."
Walang umimik sa kausap niya.
"Matagal nating pinag-aralan ito at matagal na rin nating hinintay ang pagkakataong ito."
Tumango ang apat habang nakaharap sa kanya.
Naaawa siya at natatakot dahil apat ka tao lang ang aatake sa ilang batalyong kalaban.
Subalit hindi niya hahayaang mapahamak ang mga ito.
"Are you afraid Alpha team?" matigas niyang tanong.
"NO SIR!" sabay na tugon ng lahat.
"ARE YOU READY ALPHA TEAM!"
"YES SIR!"
Tiniklop niya ang laptop at tumayo sa loob ng silid ng kanyang tinitirhan.
Sa computer lang sila nag-uusap dahil hindi pwedeng makipagkita sa tauhan niya.
Tumunog ang cellphone niya at mabilis na sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.
"Villareal, are you ready?"
"Yes sir!"
"Hindi kaya mapahamak ang tauhan mo niyan kakaunti lang kayo?"
Hanggang ngayon nangangamba pa rin ang kanilang head sa desisyon nila at naiitindihan niya 'yon.
"Sir, mas kakaunti mas walang maghihinala. Pangatlong transaksyon na ito sa iisang warehouse sir at wala namang masamang nangyayari sa kanila. Walang maghihinala sir bagamat mas hihigpit ang seguridad."
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...