CHAPTER 48 The Plan

630 26 1
                                        

"Black mission. "

Natigilan si Gian.

Napatitig siya sa head nila.
Kadalasan niyang kasama ay ang matalik na kaibigan lang pero iba ngayon.

Isasama niya ang lahat?

Ngunit hindi 'yon ang pinangangambahan niya, iba.

Black mission na ang ibig sabihin ay hindi dapat gawin ng kagaya niyang naglilingkod sa bayan.

Bawal ang magsakripisyo para sa iisang tao lamang subalit, ang lahat sa kanya ay si Ellah.

"Ngayon mo masusubukan ang katatagan ng grupo mo Villareal. Kapag pumayag sila itataya ko ang pangalan ko, " matatag na wika ng head.

Minsan na niyang nagawa 'yon magagawa niya ulit.

Kung minsan kailangang gumawa ng masama para sa kabutihan.

Unti-unti siyang napangiti.

"Thank you sir!" sumaludo siya bago umalis.

Ipinatawag niya ang apat na kasamahan sa loob ng opisina niya.

Bilang leader ng mga ito ay may karapatan pa rin siya kahit hindi na madalas sumasama sa misyon.

Ilang sandali pa nagsidatingan ang mga ito.

"Good evening sir!" sumaludo ang mga ito na agad niyang tinugon.

"Good evening."

Tumabi sa kanya si Vince habang parehas silang nakatayo.

Kung sakaling mabigo siya at hindi makukuha ang pagsang-yon ng mga ito ay gagawin niyang mag-isa ang misyon kahit pa, buhay niya ang kapalit.

Binuhay lang siya noon ni don Jaime kaya masaya siyang mamamatay para sa pinakamamahal nitong apo.

Isa-isang tinitigan ng binata ang mga tauhan.

"Gusto kong malaman ninyo na kinidnap ang apo ni don Jaime."

Iisa ang reaksyon ng lahat, pagkagulat.

"Sinong may pakana?" si Vince.

"Kailan?" si Esiah.

"Anong motibo?" si Greg.

"Ang may pakana ay ang anak ni Delavega, kanina lang at ang motibo? Gustong ipalit ang ama niya."

Rumehistro ang galit sa anyo ng mga ito at kanya-kanyang tutol sa pagpapalaya ng Congressman.

Nang tuumahik na ang mga ito ay muli siyang nagsalita.

"Kailangang makuha ang apo ni don Jaime sa kamay ni Xander Delavega bukas bago sumapit ang gabi dahil kung hindi..." napalunok siya nang tila may gumuhit na sakit sa kanyang dibdib.
"Mapapahamak siya."

"Sir, iligtas natin ang apo ni don Jaime. Sa laki ng utang na loob natin sa kanya ay dapat lang nating tumbasan," ani Esiah.

"Pero hindi 'yon gano' n kadali dahil hindi ito misyon. Hindi para sa bayan."

"Black mission?" natitigilang wika ni Vince.

Tumango siya at hindi mapigilang kumabog ang dibdib sa pangambang hindi niya makukuha ang loob ng mga ito.

Tumiim ang tingin niya sa mga 'yon.

"Alam ninyong hindi legal ang gagawin natin.
Kapag napahamak tayo, hindi kikilalanin ang ating nagawa.
Masasayang ang lahat ng inyong pinaghirapan mamamatay tayong walang karangalan. "

Isa-isa niyang tinitigan ang bawat isa.

Subalit walang nangahas magsalita.

"Ngayon, sino ang gustong umatras?"

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon