Habang nasa loob ng silid na tinitirhan ay nakatanaw sa malayo ang binata.Wala sa sariling inalala niya ang mga nakaraan kung paano nagsimula ang pagiging magkaibigan nila ni Vince.
Maraming taon na ang lumipas mula ng madestino siya sa Pagadian para sa isang misyon.
Ito ang pinakauna niyang misyon sa Mindanao.
"Alpha team, meet your captain," anunsyo ng hepe nang ipatawag ang apat na tauhan sa opisina nito.
Nakatayo siya sa harapan ng mga nakaunipormeng kalalakihan katabi ang hepe.
Matiim ang titig ng lahat derekta sa kanya maliban sa isa na tila kalmado.
Ipinakilala siya ng hepe sa mga ito.
"Siya ang makakasama ninyo para sa misyon, kilala niya si Leandro Sandejas na gambling lord at drug lord dahil taga Luzon ang taong 'yon at maraming koneksyon. Isa sa misyon niya ay tapusin ang mga katulad nito. Ang kanyang specialty ay pagiging..." Nilingon siya ng hepe. "... espiya. Captain Gian Villareal. "
Isa-isa niyang pinagmasdan ang apat na kalalakihang maging kasama sa naturang misyon.
Matatag ang mga ito na tila walang kinatatakutan, bagay na gusto niya sa isang samahan.
" Introduce your self to your captain, " utos ng hepe.
Isa -isang nagpakilala ang mga ito kasama ang posisyon ngunit hindi niya matandaan ang iba maliban lang sa isa.
Naagaw nito ang kanyang atensyon.
Base sa tingin nito alam niyang matalino at may dating na palabiro pero seryoso.
" Mr. Villareal, any words for the team? " tanong ng hepe.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"As your captain, I just want you to remember this..." Isa isa niyang tinitigan ang mga ito bago nagsalita.
"Save your self first, before saving others."Natahimik ang lahat dahil sa narinig.
Bumalatay ang pagtataka at pagkadismaya sa anyo ng mga kasama, maliban sa isa na kalmado pa rin.
Tinapos ng hepe ang usapan sa pangakong siya ang bahala sa mga kasamahan.
Nang makaalis sa opisina ay pasimple niyang sinundan ang apat na nagkumpulan sa dulo ng pasilyo.
Base sa inaasta ng mga ito sigurado siyang siya ang pinag-uusapan.
"Bay, wa gyud ko ganahi sa iyang gipanulti da! Unsa man ng dinalo man iyang prinsipyo!"
Kumunot ang kanyang noo dahil sa kakaibang lengwahe ng lalaking nagngangalang Ryan na sinang-ayunan ng iba pa maliban sa isa.
Hinintay niya ang sasabihin ng nagngangalang Vince na siyang nakakuha sa kanyang atensyon.
Tumikhim ito bago hinarap ang tatlo.
"Hindi niyo ba nakuha ang kanyang sinabi? Iligtas ang sarili bago magligtas ng iba. Simply lang naman ang ibig sabihin doon. Paano mo ililigtas ang iba kung napahamak ka na?"
Napakurap siya dahil sa lengwaheng ginamit nito kaya niya naintindihan.
"Mga bay, iisa lang ang buhay. Kung kinakailangang isugal para sa bayan, gawin natin pero kung kaya mo namang iligtas ang sarili mo, iyon muna ang unahin mo para makapagligtas ka pa ng iba."
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...