Dinalaw siya ng kaibigan kinagabihan."Gian pare! Kamusta ka...na?" napanganga si Vince sa nakita.
Nilingon niya ito. "Okay lang ako pare, napadalaw ka?"
Umupo ito sa kanyang tabi.
"Inaalam ko kung buhay ka pa, at mukhang buhay ka pa nga. "
Bahagya siyang natawa.
"Siyempre ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?"
"Akala ko, nagpapakamatay ka na sa lasing. Umiiyak at hindi na kumakain, pero sa nakikita mo, mukhang tataba ka pala. Tingnan mo nga oh? Lumalamon habang nanonood ng movie marathon?"
Ibinalik niya ang tingin sa screen.
"Walang magawa eh, on leave ako kaya nagpapahinga kaya bumabawi ako pare, o ano? Nood tayo?" anyaya niya.
"Ibang klase ka, pero sige na nga, " nakikain din ito sa chichirya niya.
Nanonood sila habang ngumunguya.
"Nga pala pare, dalawang araw na lang ang pagmumukmok mo at pag –eemote balik uli sa trabaho."
"Alam ko. "
"Gian pare, ipapaalala ko lang, bawal ang distraction sa trabaho natin. Ikakamatay mo 'yan. "
" Alam ko, " sagot niya habang nakatuon ang mga mata sa screen habang kumakain.
"Gian pare, alalahanin mo ikaw ang team leader sumusunod lang kami sa utos mo. "
" Alam ko, " sagot niyang hindi na kumukurap.
Tiningnan siya ni Vince at bahagya itong lumayo habang nakatayo.
Hindi na niya ito pinansin, pero nagulat siya sa sunod nitong ginawa.
"Fuck Vince!" napatayo siya sa pagkabigla.
Binuhusan ba naman siya ng softdrinks sa ulo!
"Natauhan ka na ba? Baka kasi nagha-hallucinate ka pa?"
Basang-basa siya. "What the Hell!" napipikon na itinulak niya ito.
"Hell talaga Gian!" itinulak din siya nito.
Saglit lang nagsasapakan na ang dalawang magkaibigan!
Lahat ng atake niya rito gano'n din ang ginagawa sa kanya!
Walang patatalo at hindi siya magpapalamang!
Kung sinipa niya ito sa tiyan sinipa din siya sa tiyan, sinuntok niya ito sa panga. Sinuntok din siya sa panga.
Dumugo ang mga labi nito, gano'n din ang kanya.
Nagpagulong-gulong sila sa sahig, nadaganan nila ang pagkain at inumin.
Parehas na silang nakahiga at nakahawak sa leeg ng isat-isa.
Nang biglang may tumunog."Tumatawag ang girlfriend mo. Tumatawag ang girlfriend mo. Tumatawag ang girlfriend mo."
Binitiwan siya ni Vince.
"Pasalamat ka, tumawag ang girlfriend ko!" anito at tumayo.
Napaupo siya sa sofa.
Lumayo si Vince at sinagot ang tawag.
Nahimas niya ng mga kamay ang batok.
Nabigla siya sa ginawa ng kaibigan sa kanya. Sinapak siya ng walang dahilan.
Gano'n pa man, hindi niya itatangging naiinggit siya rito , dahil ito ay may girlfriend at siya ay wala!
Bumalik si Vince, pero hindi lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...