"Dito po tayo don Jaime, " inalalayan ni Alex ang matanda sa pag-upo.Nakapalibot ang lahat ng tao ng kumpanya sa isang mahabang mesa.
Pero ang nakaupo sa harapan ay si don Jaime. Bilang Chairman nararapat lang na sa harapan ng lahat ito pupuwesto.
Naroon ang mga direktor at maging ang mga stock holder ay dumalo para sa nasabing meeting.
"Ladies and gentlemen good morning. Uumpisahan na natin ang meeting."
Tahimik ang lahat ngunit ramdam ang tensyon sa naturang pagtitipon.
Nakasentro ang kamera sa mukha ng lalaking nagsasalita.
Inilibot nito ang buong paningin sa mga naroon.
Ibinaling ang kamera sa mga tao, na halatang naghihintay sa sasabihin nito.
"Ang agenda... " sadyang pinutol nito ang sasabihin awtomatiko namang nagbalik ang kamera sa mukha ng lalaking nagsalita.
" Ang pagpapatalsik sa chairman!"
Biglang nagkagulo ang lahat.
Nagkislapan ang mga kamera!
Derekta sa kinaroroonan ni don Jaime.
"Hindi maaari!" sigaw ng don.
"Hindi!" tanging naisigaw ni Ellah.
Nanghina ang dalaga habang napapaluhang nanonood lang at walang ibang magawa upang matulungan ang agwelo.
"Don Jaime, wala na sa inyo ang malaking share ng kumpanya. "
Nanlaki ang kanyang mga mata at nangamba ng husto, maging ang don ay gulat na gulat.
Nagpatuloy ang lalaki sa pagsasalita.
"At kahit pagsamahin ang share ninyo ng inyong apo lumalabas na forty percent lang kayo, ang sixty percent share ay iba na ang nagmamay-ari. Ibig sabihin wala na sa inyo ang awtoridad na humawak ng kumpanya."
"Hindi ito maaari!" mahinang bulong ng matanda.
"Mr. Chairman, bumaba na kayo sa inyong pwesto. "
Hindi pa rin tumatayo ang don.
Sila ang may pinakamalaking minahan sa buong lugar nila, pinakamakapangyarihan at pinakamayaman.
Kaya sino ang nangahas?
Tumiim ang tingin ng don sa lahat habang mahigpit ang pagkakahawak sa tungkod nito.
"Wala na kasing tiwala sa inyo ang mga naririto ngayon, lalo na ng iwan kayo ng mismong inyong apo! Kaya don Jaime, bumaba na kayo diyan kung ayaw ninyong sapilitan kayong kaladkarin palabas. "
"Ako ang pinakamakapangyarihan sa lahat!"
Dumagundong ang nakakapangilabot na tinig ng don.
Natahimik ang mga naroroon subalit saglit lang.
Tila wala ng epekto ang boses niya.
Wala ng kapangyarihan at hindi na iginagalang.
"Don Jaime! Bumaba ka na sa pwesto mo!"
"Wala ka ng karapatan diyan!"
"Iniwan ka na ng lahat!"
Umugong ang matinding usapan.
Iniwan na nga siya ng lahat.
Maging ang kanyang pinakamamahal na apo ay iniwan din siya sa panahong alam niyang siya ay nanganganib.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
DragosteWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...