"AAAAHHH!"
Nagulantang si senior Roman sa narinig na sigaw ng anak na si Xander kasabay ng pagsipa nito sa upuang nasa harap.
Napalabas tuloy siya at isinama ito.
Maging ang ibang pasyente sa loob ng ospital na kanilang kinaroroonan ay lumayo rito sa takot.
Hinihintay nila sa loob ng opisina ng doktor ang resulta ng test nang bigla itong magwala.
"What the fuck Xander!" iritadong singhal niya pagdating sa labas.
"Ano bang nangyayari sa'yo!Ang aga-aga sumisigaw ka!"Humagkis ang matalim nitong tingin sa kanya.
Mabuti na lang wala itong dalang baril kung nagkataon baka napatay na nito ang mga tao.
"Dad wala na ang tauhan natin! " marahas nitong wika.
"Sinong tauhan?"
"Ang espiya natin sa mga Lopez!" hysterical nitong sagot.
Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang nanlamig.
"Ang sinasabi mong tauhan mo na hindi ko kilala?"
"Yes dad. Magaling siya, dati siyang secret agent na tinanggal sa serbisyo dahil sa pambibintang. Pero ngayon, wala na siya. Pinatay siya dad! Pinatay siya!"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa naisip kasabay ng pagkabog ng dibdib.
"Ibig mong sabihin si Jaime ang pumatay? Alam na nilang may espiya tayo sa kanila? Nahuli na ba nila tayo?"
"Hindi. Alam ko na namatay si Julia na hindi umaamin. Nasa sinumpaan nila 'yon."
"Julia?"
Umupo ito sa bakanteng bench at tumabi siya.
Tila bigla itong nanghina.
Kumunot ang kanyang noo sa nakikita.
"Emely ang totoong pangalan niya.
Nagpanggap siyang katulong at magaling siya. Dahil sa kanya nakukuha natin ang mga plano ng mga Lopez. Pero pinatay siya.
May nakaalam at nahuli siya.
Pero ang ipinagtataka ko paano siya nahuli?
Sino ang nakahuli?"Hindi rin siya makasagot.
"Espiya siya dad. Hindi basta-basta makakahuli ang ordinaryong tao lang gaya ni Jaime Lopez.
Siguradong may ibang gumawa nito.""Sino?"
"Iyon ang malaking tanong. Hindi na natin malalaman dahil wala na si Julia."
"Paano mo nalamang wala na siya?"
May tiningnan sa cellphone si Xander.
"Nasa NEWS siya dad. Tingnan mo."
Nakita niya ang isang babaeng news caster doon at sa back ground nito ay isang tila bangkay ng babae.
"Natagpuang patay ang isang babaeng tadtad ng bala sa katawan kaninang alas sais ng hapon sa isang madilim na bangin dito sa Zamboanga City.
Kinilala ito sa pangalang Emely Cervantes.
Hindi pa matukoy ang sanhi ng pagpatay...""Delikado tayo! Posibleng gumagawa na ng hakbang laban sa atin ang mga 'yon," mariing pahayag ni Xander.
"Putang-ina! Dapat na tayong maghanda. Baka bigla na lang tayong atakehin ng mga hayop na 'yon!"
"Anong plano mo ngayon?"
Tumalim ang kanyang tingin sa kawalan.
Ngayong may ideya na ang kalaban sa ginagawa nila tagilid na sila.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...