Tumiim ang tingin niya sa lahat na matalim na nakatingin sa kanya.
Naroon pa rin sila sa hapagkainan subalit wala ng kumakain kahit isa at ang lahat ay nakatayo na.
Napakataas ng tensyon sa buong paligid.
Lahat ay naghihintay sa kanyang magiging pasya na para bang sa kanya nakasalalay ang lahat ngayon.
Ganito ba kabigat ang kanyang presensiya sa buong Villareal?
Binalingan niya ang abuabueloelo.
"Yes, don Manolo."Nagsinghapan ang lahat na tila ba hindi na makahinga.
"Kukunin ko ang mana ng ama ko 'yon lang, hindi ko pakikialaman ang tungkol sa kumpanya."
Tila nakahinga ng maluwag ang mga asawa ng anak ni don Manolo sa kanyang sinabi ngunit hindi ang anak nitong si Leonardo.
"Iyon lang? Na para bang nag-ani ka lang ng produkto ng walang kahirap-hirap?
Ngayon ka lang nagpakita tapos kukunin mo lang ang mana mo ng gano'n-gano'n lang? Sino ka ba?"Umigting ang kanyang bagang sa narinig.
"Leonardo tama na!"
"No papa! He doesn't know what's he saying!"
"Karapatan niya 'yon! Bilang nag-iisang anak ni Gerardo, ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ito!"
Umalma ang lahat sa narinig.
"Apo niyo rin kami grandpa!" angal ni Hendrix.
Bumaling ang tingin ni don Manolo sa lahat lalo na kina Arturo at Leonardo.
"Alam ninyong pangalawa ang inyong ina, nauna kong minahal ang ina ni Gerardo at siya ang orihinal. Si Gerardo ang nauna sa inyong lahat!
Ngayong naririto ang kaisa-isa niyang anak lahat ng ito ay pagmamay-ari niya!"
Iminuwestra ng don ang dalawang kamay sa hangin na para bang sinasabing siya ang tunay na tagapagmana!" Papa! You can't say that! " si Arturo na bakas ang hinanakit sa tinig.
"Hindi ko minahal ang inyong ina. Bunga lang kayo ng kagipitan ko! Kaya wala kayong karapatang bastusin ang tunay kong apo!"
"Papa!" si Leonardo 'yon na nakakuyom ang kamao.
"Ayaw ko sanang malaman ninyo ito dahil pamilya ko kayo pero panahon na siguro para malaman ninyo ang katotohanan."
Natahimik ang lahat at maging si Gian ay napatingin sa don.
Hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib sa malalaman.
"Anong katotohanan papa?" si Leonardo na nagtatagis ang bagang.
Bumaling si don Manolo sa anak.
Lahat sila ay hinihintay ang sasabihin ng don.
"Leonardo..." huminga ito ng malalim.
Hindi makapaniwala ang binata na may masasaksihang ganitong eksena sa pamilya Villareal.
Sa hindi malamang kadahilanan ay sumagi sa kanyang isipan ang tatlong taong mahahalaga sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...