CHAPTER 28 The Information

665 24 2
                                        

Si Ellah na mismo ang tumawag.
Ipinikit niya ang mga mata dahil mukhang wala itong balak sagutin!

“Now you know!” bungad ni Gian sa kabilang linya.

Napigil niya ang paghinga nang marinig ang tinig ng nasa kabilang linya gano'n pa man pinanatili niyang maging kalmado.

“Why?”

“I don’t need to explain my self to you. Just stay out of my way!”

“No! You’re accusing my employee! I am responsible for his account. ”

“Really?” sarkastiko nitong tanong.

Nagpigil siya ng sarili.

“Then you should be the one to put in jail.”

“What! How dare you!”

“You don’t know anything woman!”

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Talo siya kung makikipag-away siya ngayon. Nasa mga kamay nito ang kanyang empleyado.

“Mr. Villareal, can we talk about this, maybe in a formal way. Can we?”

“No! I am busy. ”

Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.

“Shit!”

Nanggigigil na muli niya itong tinawagan.

“Shit! Sagutin mo!”

Desperada na siya dahil kung hindi mai-eskandalo na naman ang kumpanya.

Kung hindi sana si Gian ang may gawa nito wala na siyang pakialam.

Subalit ang dating gwardya niya ang may gawa na noon ay siya naman ang biktima ng pagdukot nito.

“Why you keep on calling me? I am not your employee!”

“Ofcourse! Kung ginagawa mo ‘to para magpapansin tigilan mo na dahil nakakaawa ka!”

“Ano? Papansin? Huh! Ibang klase ka, wala kang alam kaya manahimik ka!”

“Mananahimik ako kung makikipagkita ka ngayon na. ”

“Look who’s talking? Sino ngayon ang papansin sa atin?”

“Ano ba!”

“Hindi mo ako tauhan kaya wala kang karapatang utusan ako. ”

“Oh, come on, bakit natatakot ka bang makikipagkita dahil baka babalik ang pag-ibig mo sa akin?”

Narinig niya ang marahas nitong paghinga.

“Hindi mangyayari ‘yon, ” madiin nitong tugon.

“Prove it!” hamon niya rito.

“Fine I’ll give you what you want!”

“Then show me what you’ve got!”

Ano man ang dahilan ng kanyang dating gwardya ay wala na siyang pakialam. Ang mahalaga mailigtas niya ang tauhan at nang hindi madadamay ang kumpanya.

Nagkita sila sa isang coffeeshop nang araw na 'yon.

Kahit ilang araw na silang hindi nagkikita, hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito kahit na medyo humumpak ang pisngi.

Mas tumindi pa nga yata na naging dahilan ng pagkabog ng kanyang dibdib.

Nakita siya nito kaya nag-abot ang kanilang tingin.

Bigla siyang natauhan, nang mapansin niyang bigla itong ngumisi.

Hindi siya nagkakamali, hindi ito ngumiti.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon