Chapter 72 The Bigtimer

62 2 0
                                    

Gabi.

Sa isang pang apatang mesa ay naroon sina Gian at Isabel naghihintay sa dalawa pang paparating.

Tahimik ito mula pa kanina.

Mas mabuti dahil hindi na nakakatulong ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

"Pati ba tungkol kay mang Roger ay sasabihin mo kay don Jaime?"

"Si Roger ang dapat magsabi no'n kay don Jaime."

"Sigurado ka ba talagang sabihin sa kanila ang totoo?"

"Kailangan Isabel. Ayaw ko ng magsinungaling."

Huminga ito ng malalim at tumingin sa kawalan.

Tumingin siya sa orasang pambisig.

Alas syete ng gabi.

Ang usapan ni don Jaime at ng isang Raven Tan ay napalitan ng usapan nila.

Ilang sandali pa may tila komosyon mula sa labas ng VIP room na kinaroroonan nila.

"Si don Jaime ba na?"

"Daw be? Ay hala si don Jaime gyod! Wow nag-unsa na sila diri?"

Ito ang mga naririnig ni Gian mula sa labas.

Nandito na ang don.

Inihanda niya ang sarili.

"Isabel buksan mo ang pinto at walang ibang papasukin si don Jaime lang."

Tumayo ito at tinungo ang pinto.

Siya naman ay pumasok ng banyo na nasa gilid.

Dapat walang ibang makakakita sa kanya at makakaalam na siya ang ipinunta ni don Jaime.

Walang alam ang mga nandito na siya ang makikipagkita at higit sa lahat walang alam ang mga ito na siya ay si Rage Acuesta.

Ang alam ng mga nandirito ay siya si James Dela Cruz.

Bumukas ang pinto.

"Dito ho tayo don Jaime," malumanay na wika ni Isabel.

Isinara nito ang pinto at iginiya ang matandang naka tuxedo, leather na sapatos, naka sumbrero ng itim at may tungkod.

Nakikita na niya ang likod ng matanda.

Bumaha ang pananabik sa dibdib ng binata.

Walang duda ito nga si don Jaime Lopez.

Inayos niya ang suot na eyeglass, maging ang kulay itim na long sleeve na tinupi hanggang siko na pinares niya sa maong na pantalon at loafers.

Humarap siya sa salamin at pinasadahan ng palad ang kulay asul niyang buhok.

Malayong-malayo sa Gian noon na laging naka leather jacket.

"Ho! Kaya ko 'to."

Isa pang buga ng hangin ay tuluyan na siyang lumabas.

Nakatalikod pa rin ang matanda habang nakatingin na sa kanya si Isabel.

"Don Jaime."

Marahan ang paglingon ng don sa likuran nito.

Ngunit nang makita siya ay napatayo ito sa galak.

"Gian? Gian! Ikaw ba 'yan?"

Nanlalaki ang mga matang sambit ng don habang papalapit sa kanya.

Naumid ang dila ng binata habang papalapit din dito.

"Gian!"

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang luha ng don bago mahigpit na yumakap sa kanya.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon