Ang bigat ng kanyang nararamdaman dahil wala na ang taong kaisa-isa niyang inaasahan. Maiisip pa lang niyang mag-isa niyang haharapin ang lahat ay nawawalan na siya ng lakas ng loob.
Humulagpos ang natitira niyang pasensiya at pinagtatapon ang mga papeles sa mesa.
Napaatras ang sekretarya.
"Bakit nila ginagawa sa akin ang ganito? Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit kahit walang kinalaman ay nadadamay!"
"Tama na po Ms. Ellah. "
"Mga hayop silang lahat!" patuloy niyang sigaw.
"Ms. tama na po, baka may makakita sa inyo sa ganyang kalagayan. Natatakot po akong may makakaalam at baka gamitin na naman ng inyong kalaban. "
"Pakiramdam ko wala akong silbi sa kumpanyang ito. "
"Hindi po 'yan totoo Ms. Ellah, marami po ang umaasa sa inyo. "
"Puro sila umaasa hindi ba nila alam na hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya! Mababaliw na ako!"
"Ms. kaya niyo po 'yan, magpakatatag po kayo. "
Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
"G-ginagawa ko naman ang lahat ah? Ano pa ba ang kulang? Bakit hindi sila nakukuntento? Hanggang kailan ko ba papatunayan ang sarili ko?"
Nangilid na ang kanyang mga luha pero pinipigilan niya ang umiyak. Hindi dapat makita ng kanyang tauhan ang kanyang kahinaan dahil umaasa ang mga ito sa kanya.
"Wala po kayong dapat patunayan Ms. Ellah dahil kayo po ang nagmamay-ari ng kumpanya. At naniniwala kaming hindi sila magtatagumpay sa pagpapabagsak sa inyo. Kaya magpakatatag po kayo Ms. Hindi namin kayo iiwan. Makakaasa po kayong susuportahan namin kayo kahit anong mangyari. "
Ang bigat-bigat na ng kanyang nararamdaman at parang bibigay na siya.
Naninikip ang kanyang dibdib at
tumulo ang luha.Kinabig siya ng sekretarya at niyakap.
Tuluyan na siyang napaiyak.
"Lumaban po kayo, marami po ang umaasa sa inyo. Kapag bumigay po kayo marami ang mabibigo kaya pakiusap Ms. Ellah tatagan niyo ang sarili niyo. " Hinahagod nito ang kanyang likod.
Panay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Iiyak niyo lang po ang sakit na nararamdaman ninyo nandito po ako Ms. nakahandang makinig at dumamay sa inyo."
Niyakap niya ang babae dahil pakiramdam niya nanghihina siya at kailangan ng makakapitan.
Pero kailangan niyang magpapakatatag.
Hindi niya dapat kalimutan na sumang-ayon siya sa gustong mangyari ng kanyang lolo kaya kung meron mang dapat sisihin sa nangyayari walang iba kundi ang kanyang sarili!
---
Tumawag si Vince kay Gian na agad niyang sinagot."Pare, nahuli na ang hitman pero ayaw magsalita. Pumunta ka rito sa U.G."
![](https://img.wattpad.com/cover/90192550-288-k208162.jpg)
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
Roman d'amourWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...