CHAPTER 39 The Choice

631 25 0
                                    

Mula ng maospital ang don ay palagi ng binabantayan ni Ellah ang abuelo.

Kauuwi lang niya galing opisina at dumeretso agad sa opsital.
Inabutan niyang nakaupo ito at nanonood ng telebisyon.

"Lolo, gutom na po ba kayo? May pagkain po akong dala."

"Hindi pa ako gutom, " malamig nitong tugon.

Napabuntong hininga ang dalaga.

Alam niyang masama pa rin ang loob nito dahil sa nangyari.

Alam niya rin kung paano ito mapapasaya.

Marahan siyang umupo sa gilid ng kama.

"Lo, talaga bang ayaw ninyo kay Gian?"

Hindi pa man ito sumasagot ay nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata.

"Alam mong ayaw ko. Pero napakatigas mo kaya pwede ba huwag ka ng pumunta rito? Hindi ako natutuwa."

Napapikit siya sa narinig.
"Gagawin ko ang gusto mo."

Dahil doon ay nilingon siya ng don.

"Ikaw na lang ang natira kong pamilya at ayaw kong mawala ka, kaya kong ipagpalit si Gian sa inyo lolo."

Sa pagkakataong ito kahit masakit kakayanin ko.

"Iyan ang pinakamaganda kong desisyon sa buhay hija, tama 'yan. Wala kang mapapala sa isang gaya niya lang."

Ngumiti siya ng mapait.

"Opo, kain na po kayo."

"Ano ba 'yang dala mo? Kanina pa ako nagugutom."

Maraming magagawa si Ellah para ipaglaban ang relasyon nila ni Gian ayaw niya lang.

Ayaw niyang masaktan ang nag-iisang pamilyang natira sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa kasintahan.

Kahuli-hulihan niyang mensahe para sa minamahal niyang si Gian.

Gian... paalam.

Kasabay ng pagtipa ay ang pagpatak ng kanyang mga luha.

---

"The target is coming, I repeat target is coming. " ani Greg isa sa tauhan ni Gian na siyang nag-aabang sa paglabas ng target sa isang restaurant na may ka meeting na mga intsik.

Matapos ang pag-alam ng mga escapades ng target ay ngayong gabi isasagawa nila ang misyon.

Gamit ang binocular telescope ay nakita niyang papalabas ang target nila kasama ang mga instik. Naghiwalay ang mga ito matapos ang iilang sandali.
Ngayon kasama ng target ang tatlong gwardya.

"Men, moved!" utos niya.
"Tandaan kailangang buhay ang target!"

"Yes sir!" sabay na tugon ng mga ito.

Ilang sandali pa papaalis na ang kotse ng target at sinundan ng kanyang mga tauhan.

Sila naman ay nakaabang.

Dalawampung metro ang layo ng target ay muli siyang nagsalita.

"Men, attack."

Hinarangan ng kotse nina Greg ang sasakyan ng mga ito at tinutukan ng mga baril ang nasa loob.

"Labas!"

Subalit hindi kumilos ang mga ito at ilang sandali pa natigagal sila nang nagkaputukan na.

"Lintek!" Pinaarangkada ni Vince ang sasakyan palapit.

Ikinasa ni Gian ang baril at nakahandang baguhin ang plano.
Subalit nabigla siya sa inabutan.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon