Chapter 58 The Condition

55 4 0
                                    

Natigagal si Gian sa narinig.

Marahan siyang umupo na kaagad namang napangiwi sa tindi ng sakit sa balikat.

Maagap namang hinawakan ng babae ang likuran niya bilang suporta.

Ang pinakaunang pumasok sa kanyang isipan ay si Ellah.

Paano na ang kasintahan?

Alam na kaya nito?

Kumusta na si don Jaime?

Binalingan niya ang babae. "Paano mo nalaman?"

"Ibinalita kanina lang sa TV na nanlaban ka raw sa mga pulis kaya ka nakatakas.
Napilitan daw silang barilin ka dahil sa ginawa mo."

"Hindi totoo 'yan!" napasinghal siya tindi ng poot.

Huminga ng malalim ang babae at hinarap siya.

"Alam ko. Alam kong binaligtad ka lang nila."

Napatingin siya rito at umigting ang bagang.

"Diyan magaling si Delavega. Ang magbaligtad ng sitwasyon."

Tinitigan niya ang babae.

Mukhang may alam ito tungkol sa kalaban.

"Kilala mo ba si Roman Delavega?"

Napansin niya ang pagdilim ng anyo ng naturang babae.

"Hindi namin siya lubusang kilala noom kaya hindi namin inakalang magagawa niya ang ginawa sa amin noon ng tatay ko. Ngayon kilalang-kilala ko na ang pagka demonyo niya!"

Natigilan ang binata.

Alam niyang may inililihim ang mga ito at nagdadalawang isip siya kung tatanungin ito sa dahilan.

"Matagal na namin siyang kalaban. At ngayon pinapapatay na niya ako."

"Bakit?"

Umarko ang kilay niya.

"I mean hindi ba si don Jaime lang naman ang kalaban niya?"

"Boyfriend ako ng apo niya, pero hindi ko pinagsisihan na nadamay ako dahil noon pa man kalaban ko na talaga ang taong 'yon?"

"Boyfriend? Hindi asawa." Ngumiti ang babae.
"Paano ka nasangkot kay Delavega? Ah dahil dati kang PDEA gano'n?"

Nanliit ang mga mata ng binata sa kaharap.

Marami itong alam at nakakapagduda 'yon.

"Oh don't look at me like that Mr. Villareal. Hindi naman lihim ang nangyari noon I have connections."

Napatango-tango siya.

May koneksyon daw ito pero hindi niya alam kung kanino gano' n pa man wala itong maitutulong pagdating kay Delavega.

"But you can't do anything when it comes to your enemy. Tama ba ako?"

Binantayan niya ang mga aksyon at reaksyon ng babae.

"Oh, don't worry about that. Malapit na."

Napatango siya.
"Kilala mo ako, pero hindi kita kilala at hindi pa ako nakapagpasalamat man lang sa'yo."

"Oh, sorry I am Isabel, Isay for short."
Inilahad nito ang kamay sa kanya.
Marahan niyang pinagdaop ang palad nila dahil sa sakit ng balikat.

"Isabel?" tanong niyang naghihintay ng apelyido nito.

"Alvar. Isabel Alvar."

Tumango siya kahit hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo, pagkuwa ay bumitiw sila sa isat-isa.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon