Matamang nakatingin sa kanya ang mag-ama.
Umiling ang binata.
Mas lalong nagtaka ang mga ito dahil sa kanyang pag-iling.
"Kumain na lang ho muna tayo."
Hindi na umimik ang mga ito at nagpatuloy sila sa pagkain.
Habang kumakain pinag-iisipan niya ang mga dapat sabihin sa mag-ama.
Nang matapos kumain ay nagsalin ng wine si Isabel sa mga baso nila.
"Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol doon Gian?" ani Isabel na sumimsim ng red wine mula sa hawak nitong baso.
Uminom siya ng wine ngunit bago pa man makapagsalita ay inunahan na siya ni mang Isko.
"Paano mo magagawa 'yon kung hindi ka naman bigating tao?"
Natahimik ang binata.
Unang-una sa patakaran ng club ay ang pagiging mayaman.
At ngayon ay masasabi niyang siya ay...
Mayaman.
Sa ginawa ni Delavega ay nangyari ito sa kanya, nakilala ang kamag-anak at nalaman ang kanyang tunay na katayuan sa buhay.
Gano'n pa man ay hindi siya magpapasalamat dito dahil kung hindi nito ginawa ang gano'n sa kanya ay hindi siya mahihiwalay sa pinakamamahal na kasintahan at hindi magtatago.
"Kung hindi ka mayaman ay sana malaman namin ang mga plano mo, nagtutulungan tayo dito Gian huwag mo namang akuin lahat, " pagpapatuloy ni mang Isko.
"Tay, kahit ako man ay naguguluhan pero magtiwala na lang po tayo kay Gian.
Hindi niya tayo ipapahamak.""Naroon na ako pero nakakapagtaka lang."
Tinatantiya niya ang matandang kaharap.
"Hindi niyo ho ba ako pinagkakatiwalaan?"
Hindi nakasagot si mang Isko.
"Tay?" Nasa tono ni Isabel ang pagbabanta na tila ayaw nitong ma disappoint ang binata.
"Nagtitiwala ako Gian, kahit nga anak ko ipinagkakatiwala ko sa'yo alam mo 'yon pero hindi mo ba pwedeng sabihin kung ano ang dahilan paano ka makakapasok doon?
Kailangan kasi roon ay isa kang bilyonaryo dahil kung hindi natatakot ako sa naiisip mo."
Nabanaag niya ang pangamba sa mukha ni mang Isko.
Sinulyapan niya si Isabel at kitang-kita niya ang tuwa nito." Sa ginagawa mo ikaw ang hindi nagtitiwala sa amin."
Napalunok si Gian at yumuko.
Dahil sa nangyari sa kanya at nakasanayang trabaho noon hanggang ngayon ay ang magtiwala ang pinakamahirap niyang gawin.
Tatlong tao lang ang pinagkakatiwalaan niya sa buhay.
"Marami kang lihim at hindi namin alam ang mga pinaplano mo."
Nararamdaman niya ang pagtatampo at lungkot sa boses ng matanda.
Ang mga ito ang nagligtas sa kanya sa panahong muntik na siyang mapahamak, hanggang ngayon ay kasama niyang lumalaban ang mag-ama sa pagbabagsak kay Delavega.
Siguro nga sapat ng dahilan 'yon para magtiwala ng lubos sa mga ito.
"Gano' n pa man kung hindi mo maipapaalam ang mga plano mo sana lang ay hindi mapapahamak ang anak ko. Ikaw lang ang tangi naming pag-asa Gian kaya sana maintindihan mo ang takot nararamdaman ko."
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...