7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE...
Sa mundong dalawa lang ang pagpipilian, ang gumawa ng tama o mali.Paniguradong tama ang pipiliin ng lahat, dahil sino ang gustong gumawa ng mali?
Wala.
Maliban sa isang lalaking kalmadong naglalakad, ikinakasa ang kalibre de kwarentang baril bago isinuksok sa likod ng pantalong natatakpan ng suot na itim na leather jacket na pinailaliman ng itim na t-shirt na pinaresan ng itim na pantalon at itim na sapatos. Pinakahuli sa kanyang postura ay ang itim na sumbrero.
Sa porma niya ngayon, walang makakapagsabing isa siyang mabuting nilalang at gumagawa ng tama.
Mali.
Kailangan niyang gumawa ng mali upang maitama.
Matalim ang mga matang nakatingin sa buong paligid.
Mabibilis ang mga lakad na tila nagmamadali patungo sa likod ng bodega habang nilalagyan ang hawak na baril ng silencer.
Nang mabuksan ang maliit na pintong gawa sa bakal ay hinawakan ang earpiece sa loob ng tainga at mahinang nagsalita.
"Situation Victor?" bulong niya habang nakatingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan.
"Ready sir!"
Ang nagngangalang Victor ay nagpalakad-lakad sa itaas ng gusaling kinaroroonan, itim ang buong kasuotan nito at nagmamasid sa madilim na bahagi ng minamatyagang gusali habang may tila hinahampas sa hangin.
Pagkarinig sa tugon ng usapan ay inayos niya ang itim na sumbrero, kampante at kalkulado ang bawat kilos saka tumingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan.
"Echo, Romeo, Oscar?"
"Ready sir!" sagot ng tatlo.
Nakapalibot sa bawat kanto sa itaas at ibaba ng gusali ang kanyang apat na tauhan habang sa isang malawak na espasyo sa loob ng bodega ay kausap ng kanyang amo ang isang may edad ng Filipino- Chinese National kasama ng mga tauhan nito.
Sa panig kanyang amo ay nasa kwarenta sila at sa kausap nito ay nasa kinse lamang.
Ngunit lahat ng tauhan ay mayroong hawak na baril habang nagbabantay sa loob at labas ng naturang lugar tinitiyak ang kaligtasan ng mga amo.
Matapos makipag-usap sa mga tauhan ay nagpasya siyang bumalik.
Eksaktong naisara niya ang pinto nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran."Ikaw?"
Hindi 'yon isang tanong kung hindi isang pagdeklara mula sa kasamahan.
Na kahit hindi niya lilingunin alam niyang nakatutok sa likod ng kanyang ulo ang baril nito. Isang bagay upang masiguradong mamamatay ang kaaway.
Nagtiim ang kanyang bagang at kabadong tumingin sa hindi kalayuan kung saan nagaganap ang transakyon.
"Thank you for coming Mr. Tang." Malugod na binati ng isang matandang lalaking may suot na amerikanang kulay puti ang matandang intsik na naka tuxedo ng itim, sa tagal nitong paghihintay sa ganitong pagkakataon ay natural lamang na maging masaya ito.
"Ofcourse! It's you Mr. Mondragon!" tugon ng matandang intsik habang nakangiti.
Sa likod ng dalawa ay ang sampung trak na may lamang kargamento na kasalukuyang ini- inspeksyon ng mga tauhan.
Ang matandang naka suot ng amerikanang puti ay nilapitan ng kanang kamay nito.
"Marco, secure the area."
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...