CHAPTER 51 The Position

728 20 5
                                        

Kahit minsan ay hindi nagpunta ng salon ang dalaga ngayon lang!

Agad naman siyang inasikaso ng mga tao sa naturang salon.

Matapos ang mga nangyari pakiramdam niya ay stress na at hagard pa.

"Madam, tapos na po, nagustuhan niyo ba?"

"Wow! Ako ba ito?"

Hangang-hanga siya habang nakatingin sa salamin.

"Yes madam, bagay pala sa inyo ang curly hair, mas lalong tumingkad ang inyong ganda, nagmukha kayong amerikana madam!"

"Hmp! Binobola mo lang yata ako eh."

"Naku hindi po madam, tiyak magugulat ang inyong boyfriend baka nga hindi na kayo makikilala. "

"Hindi naman, pero salamat sa inyo ah. "

"Balik ho kayo madam. "

"Sure!"

Pagkatapos dumaan sa salon, dumeretso na siya sa opisina.

Talagang marami ang nagulat sa mga naroon.

Pero hindi na gaya ng dati na hindi man lang siya ngumingiti dahil ngayon, sino man ang titingin sa kanya ay ngingitian na niya!

"Good morning ho Ms. Ellah, napakaganda niyo ho. "

"Ms. Ellah, bagay sa inyo, lalo kayong gumanda. "

"Salamat sa inyo, " nakangiti pa rin niyang wika.

Minsan nagugulat na rin siya sa sarili dahil noon ayaw na ayaw niyang pinupuri at ayaw din niyang pumuri!

Pero iba na ngayon!

Nagbago siya, mali! Binago siya ni Gian. Natuto siyang magpakumbaba at humingi ng tawad sa iba.

Natuto rin siyang ngumiti at tumawa.

Higit sa lahat natuto siyang magmahal!

"Good morning Ms." nakangiting bati ng sekretarya pagpasok niya.

"Jen kumusta dito?"

"Okay na po Ms."

"Ikaw kumusta?"

"Wala pong problema Ms. salamat sa pagkuha uli sa akin. "

"Wala 'yon, Jen, maraming salamat sa mga panahong nasa ibaba ako at walang magawa, palaging kang nandiyan at inalalayan ako."

"Wala ho 'yon Ms."

"Jen? "

"Yes Ms.?"

"Pwede ba kitang maging kaibigan?"

Napanganga ang babae!

"Jen, wala kasi akong maituturing na kaibigan kahit isa, kaya pwede bang pagbigyan mo ako?"

Yumuko ang babae.

"Karangalan ko ho na ituring ninyong kaibigan Ms. hindi po kayo mabibigo sa akin. "

"Maraming salamat Jen, " niyakap niya ang babae.

"Nakakahiya ho sa inyo Ms."

"Simula ngayon Jen, huwag ka ng mailang dahil itinuturing na kitang kaibigan. "

"Salamat Ms." Gumanti ito ng yakap sa kanya.

"Ellah, ang itawag mo sa akin. "

" Maraming salamat, E-Ellah. "

Natutuwa ang dalaga dahil kahit papaano may taong tumanggap sa kanya.

Alam niya, mapagkakatiwalaan ito at tapat sa kanya.
Kaya hindi siya nagkakamaling piliin ito bilang nag-iisang kaibigan!








WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon