Chapter 64 The Inheritance

57 3 0
                                    

Napaatras si Gian at mabilis isinara ang pinto subalit natigilan siya nang magsalita ang nasa labas.

"Sir Gian hinahanap ka na ni don Manolo."

Muli niyang binuksan ang pinto at tumambad ang sampung kalalakihan na lahat ay naka tuxedo nakatingin ang lahat sa kanya.

Tumiim ang kanyang bagang sa narinig.

Naisip niyang posibleng makikita siya ang hindi niya inisip ay ang hanapin siya.

"Bakit?"

Nagtinginan ang mga ito.

"Babalik na raw kayo ng mansyon."

Nakaramdam siya ng kaunting saya ngunit kapag naiisip ang nangyari doon ay nawawalan siya ng gana.

"Hindi ako sasama makakaalis na kayo." Akmang isasara niya ang pinto nang pigilan ng isang kamay ng kausap.

"Hindi tumatanggap ng hindi si don Manolo," anitong nakayuko.

Tinatakot ba siya nito?

Nag-igting ang kanyang bagang.

"Hindi rin ako sanay na pinipilit."

Binalibag niya pasara ang pinto.

Bastos na kung bastos pero mas matindi naman ang ginawa ng mga kamag-anak nito sa kanya.

Hindi pa rin umaalis ang mga ito at tila may kausap sa cellphone.

"Oho don Manolo, sige ho."

Umupo siya sa papag at hinintay ang pag-alis ng mga alipores nito.

Bukas na siya pupunta roon sa mansyon. Magpapalipas muna siya ng gabi ngayon dahil sa nangyari doon.

Nang biglang may kumatok.

'Hindi pa pala lumayas ang mga tarantado?'

Uminit ang kanyang dugo at iritadong binuksan ang pinto.

"Ang tigas ng bungo niyo ah hindi-" umawang ang kanyang bibig nang tumambad ang matandang ayaw niyang makita.

"Apo..."

Madalas naririnig ni Gian ang salitang 'yon ni don Jaime sa apo nitong si Ellah.

Nakakapanibago lang na may tumatawag din ng gano' n sa kanya at isa ring don.

Subalit napakalaki ng pagkakaiba ng pamilya niya sa kasintahan.

"Anong ginagawa niyo rito?" tinigasan niya ang anyo upang mailang ang don.

"Hinanap kita sa buong lugar, umuwi na tayo sa mansyon hijo," malumanay ang tinig na wika ng don subalit hindi siya nagpatinag.

"Umuwi na kayo hindi ako sasama," matigas niyang wika.

Inilibot nito sng tingin sa kabuuan ng silid bago siya hinarap.

"Ayos ka lang ba rito?"

Hindi siya sumagot at nanatili lang nakatingin sa mga tauhan ng don.

"Paano niyo ako nahanap?"

"Gian hijo, madali sa akin ang maghanap lalo na at nasa siyudad lang."

Umiling siya. Ganitong sagot ang mga ayaw niyang marinig.

"Sagutin niyo ako ng eksakto don Manolo paano niyo ako nahanap?"

Ang tauhan nito ang sumagot.

"Pina trace ka sa buong CCTV sa siyudad.
Pinahanap ang taxi na sinakyan mo."

Kumuyom ang kanyang kamay subalit napantag din ng maisip na
hindi nagamit ang larawang kinuha sa kanya kanina.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon