CHAPTER 29 The Intention

674 27 1
                                        

Kagaya ng sinabi ng dalaga. Dinala niya ito sa hotel.

Nasa kwarto na sila matapos itong alalayan papasok sa loob.

"I have to go. "

"No, I need to talk to you, " matigas na utos ng dalaga na akala mo tauhan pa rin siya.

Nagtiim ang kanyang bagang.
"You don't need to."

"Mr. Villareal, balak mo ba talagang ipakulong ang tauhan ko?"

"Ofcourse. "

"It's okay pero ipaliwanag mo ang detalye. Paano mo nalamang siya nga ang gumawa?"

"Long story. "

"Then make it short. "

Napabuntong-hininga ang binata.

Hindi na siya nagtaka na malaman nito ang tungkol kay Galvez dahil dinala ito ng tauhan niya sa presinto at inimbestigahan doon.

"Sabihin mo nga, bakit ba sobra ang concern mo sa lalaking 'yon? Ano bang meron sa inyong dalawa?"

"Wala kaming relasyon!"
derektang tugon ng dalaga.

"Kung wala, ano bang pakialam mo? Nagkasala siya kaya batas na ang bahala sa kanya."

"Hindi mo naiintindihan, dahil sa nangyari, ma e-eskandalo na naman ang kumpanya. Madudumihan na naman ang pangalan namin. Mapapahiya na naman kami! "

Tumalim ang titig niya dito.

"Hindi ko alam, napaka self-centered mo pala, " malamig niyang turan.

"What?"

"Anong gusto mong gawin ko papakawalan ang taong muntik ng pumatay sa akin gano'n ba?"

Mas lalo siyang nasasaktan sa takbo ng kanilang usapan.

Umiling ang dalaga. "Hindi gano'n, ang gusto ko magpaliwanag ka para malaman ko kung ano ang totoong nangyari."

"Para ano pa?"

"Para alam ko kung ano ang sasabihin kung sakaling may medya na dumating. "

"Hindi mo na dapat alalahanin ang ganyang bagay. "

"Bakit hindi? Tauhan ko siya! "

"That's my point, tauhan mo lang hindi asawa. "

"Ano ba! Bakit ba hindi mo na lang sabihin ang totoo?"

"Wala ka ng kinalaman pa. Kung nahihirapan kang magdesisyon, tanggalin mo siya sa kumpanya."

"Hindi 'yon gano' n kadali. "

Tiningnan niya ang dalaga ng may pagdududa.

"Ms. Lopez, your staff is a criminal so how come you can't fire him immediately?"

"Ofcourse I can do that, it's just that I don't know the truth."

"I told you, that bastard tried to kill me!"

"Then tell me why?"

"That is not your concern. "

"I want to know. "

Tumalim ang titig niya kay Ellah.

"You just want to know the truth so you can have a good damn explanation to that fucking reporters! The hell I care!" sigaw na niya.

Natahimik ang dalaga.

Tumalikod siya at humakbang palabas.

Ayaw na niyang may malaman pa ito tungkol sa buhay niya dahil wala na silang koneksyon sa isat-isa.
Wala na ang pangako nilang magdadamayan at magtutulungan.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon