CHAPTER 49 The Arrest

733 26 2
                                    

Malakas ang hangin habang sakay ng speed boat si Gian kasama ang Congressman patungo sa isla.

Nakaupo ito sa sulok habang siya ang nagmamaneho.

Naalala niya ang pinag-usapan nila ni Xander Delavega nang nasa mansyon siya ng mga Lopez.

"Ang gusto ko ikaw lang mag-isa ang pupunta kasama ang ama ko. Kapag hindi ka sumunod sa usapan maunang mamaalam itong syota mo."

"Kung ako lang mag-isa kailangang mag-isa lang din ang ama mo at huwag na huwag mong sasaktan ang apo ni don Jaime nagkakaintindihan ba tayo?"
Nagngangalit ang mga ngiping wika ng binata sa kausap sa cellphone.

"Wala ka ring dapat gagawin sa ama ko kundi ang dalhin siyang ligtas dito naiintindihan mo?"

"Dadalhin ko ang ama mo ng buhay sumunod ka lang sa usapan."

"Yes ofcourse!"

"Anong sinabi ng kalaban?"

Nilingon niya si don Jaime na matiim ang tingin sa kanya.

"Mag-isa akong pupunta roon kasama ang congressman don Jaime."

"Gian, hindi ka mag-iisa. Magpapadala ako ng back-up."

"Don Jaime, ayaw ko lang na may madamay pang iba kapag-"

"Hindi mo maililigtas ang apo ko nang mag-isa. Ipapadala ko lahat ng tauhan ko bilang back-up mo.
Kung hindi ka tinulungan ni Romero ako ang tutulong sa'yo, " matigas na wika ng don.

Huminga ng malalim ang binata.

Kapag si don Jaime ang nagsalita walang makakabali nito.

"Salamat, don Jaime. "

"Gian, pakiusap iligtas mo ang apo ko."

"Ililigtas ko siya."

"Malayo pa ba tayo?" dinig niyang tanong ng bihag.

Malapit na sila.

At alam niyang  ng mga sandaling ito nasa isla na ang apat na kasama.

Ilang sandali pa, nakikita na nila ang isla.

Saglit na tumigil sila at nilingon ang bihag.

"Tumayo ka."

Nalilitong pinagmasdan siya nito.

"Tayo!"

Tumiim ang bagang na tumayo ang congressman.

Umikot siya sa likuran nito at kinalagan ang bihag.





---
Napatayo si Ellah nang makarinig ng munting ingay sa labas.

Tumakbo siya sa pinto at matamang nakinig.

"Magaling ka talaga Villareal!"

Dumagundong ang kaba sa dibdib ng dalaga kasabay ng panlalaki ng mga mata.

"Shit!"

Malakas niyang pinihit ang pinto pero nanatili pa rin itong hindi mabuksan.

Halo-halo ang pakiramdam ng dalaga, natutuwa siya at natatakot din.

Patuloy niyang hinihila ang door knob ng pinto subalit naka lock ito.

Sinipa niya ang pinto.

Nagawa niya 'yon dahil hindi naman siya itinali.

"Nasaan si Ellah?"

Pagkarinig sa tinig ng kasintahan ay mas tumindi ang pagnanais niyang makalabas.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon