Sabado.
Umaga.
Nakaharap si Gian sa screen ng computer habang mariing nakatitig dito.
Eighty percent data transferring...
"Boss, ayun sa napag-alaman ko sampung Chinese investor ang darating mamayang gabi."
Nagtiim ang kanyang bagang sa narinig, kausap niya ang tauhan.
"Nakahanda na ba ang mga kakailanganin?"
"Yes boss, nandito na rin ang mga tauhan ng pinsan ninyo."
"Good, anong oras ang selebrasyon?"
"Alas sais ng gabi boss."
Huminga siya ng malalim.
"Mag-iingat ka diyan Buloy."
"Salamat boss."
Transfer completed.
Isinara niya ang computer at tinapos ang usapan nila ng tauhan.
Sunod niyang tinawagan ay ang kaibigang si Vince.
"Pare, nakahanda na ba kayo?"
"Oo pare, hinihintay lang namin ang go signal mo. Nasa Zamboanga na kami ngayon."
"Sige pare, salamat."
"Kapag nagtagumpay tayo rito ubos ang kalaban mo!" Sinabayan ng halakhak ng kaibigan ang sinabi kaya lang hindi napangiti ang binata.
"Pare, mag-iingat ka, alam ko na hindi ka titigilan ng kalaban sa oras na magtagumpay tayo, dahil iyon na ang kanilang pagbagsak. "
"Oo naman pare, akong bahala. Magtiwala ka."
"Salamat Vince, utang ko ang lahat sa'yo."
"Oo nga! Kaya pag-uwi mo magbabayad ka ha?" anito sabay halakhak.
"Walang problema pare." Napangiti na siya.
"HIndi pare, walang biro, basta kapag natapos ito, wala ka ng problema. Makakauwi ka na ng matiwasay."
"Salamat. Kumusta si mang Isko? Ang paglibing kay Isabel?"
"Kinuha siya ng kamag-anak nila, at sila na rin ang nag-asikaso sa pagpapalibing. Hinihiling nila ang hustisya para kay Isabel."
Huminga siya ng malalim.
"Ibibigay natin pare."
"Tama. Lahat ng nabiktima at mga namatay gawa ng mga demonyong Delavega na 'yan ay mabibigyan na ng hustisya. Kaya pare, gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para matapos na ito."
"Salamat, salamat pare."
Napabuntong hininga na lamang ang binata.
Alam niya na sa oras na matapos ang problema, magkakasama na sila ng nobya.
Magiging maayos na rin ang lahat.
---
"Yes Mr. Fuentes, naka ready na ba kayo?"
"Yes Ms. Lopez, nasa Venue na ang mga tauhan ko, naghihintay na lang sila ng sinasabi mong pinakamalaking scope ngayong gabi."
"Yes, this will be the biggest news in entire Zamboanga Peninsula."
"I'm so excited!" hiyaw ng kausap sa cellphone.
Napangiti siya matapos makipag-usap sa opisyal ng taga media.
Lahat ng plano ng kasintahan alam niya, kaya alam niya rin kung paano makakatulong kahit sa simpleng paraan.
Wala itong inililihim sa kanya.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomansaWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...