Chapter 85 The Investigation

55 2 0
                                    

Wala na halos humihinga sa mga kasamahan sa bahay.

Nakatitig ang lahat sa harapan ngunit hindi naman nakatingin sa kanya.

Kung talagang may espiya ng kalaban, ngayon pa lang ay nanganganib na si Gian.

"Kung sino ka man!
Sa oras na ipaalam mo sa iba ang anumang nalaman mo, ako mismo ang papatay
sa'yo!"

Mas tumahimik ang lahat at sa pagkakataong ito ay nagsiyuko ang mga tauhan.

Ilang sandali pa dumating na ang kanyang ipinatawag.

Dalawampung kalalakihang may dalang mga mahahabang baril at nakauniporme ng fatigue.

Nataranta ang mga kababaihan.

"Magandang umaga don Jaime," yumuko ang head ng mga ito.

Ito ang mga private army ng isang don Jaime Lopez.

Lumapit siya sa bumati bago hinarap ang mga kasambahay.

"Sila ang magbabantay sa inyo.
Hanggat hindi nahuhuli ang salarin walang makakalabas!"

Halata na ang takot sa mga ito ngunit wala pa ring umaamin.

Hinarap niya ang head.
"Kayo na ang bahalang magbantay sa kanila."

"Opo don Jaime."

Hinarap ng head ang mga kasama.

"Men secure the area!"

Agad nagpwestuhan ang mga ito sa buong kabahayan.

Matagal na niyang tauhan ang mga ito at alam na ang pasikot-sikot ng bahay.

Matigas ang mga kasambahay.
Walang umamin kaya hindi na rin siya magiging malambot.

Tumalim ang tingin niya sa buong kabahayan.

" GUARDS LOCK DOWN THE MANSION! "

"Yes sir!" sagot ng head.

Nagpanic ang mga kababaihan samantalang ang mga kalalakihan ay kalmado lang.

Ilang sandali pa, narinig na nila ang tunog ng unti-unting pagbaba ng glass wall.

Ang salaming dingding ay bullet proof at fire proof.

Magkasabay ang harapan at likuran kaya walang sino man ang makakatakas mula sa loob.

Ginagamit lang niya ito kapag may emergency kagaya noong binantayan siya ni Vince.

Nanganganib siya noon laban kay Delavega kaya ginamit niya ang proteksyon.

Ngunit hindi niya inaasahang magagamit ulit ngayon.

Lahat ay makukulong.

Subalit may limang tao ang wala rito.

Si Ellah, si Roger na driver at ang tatlong bodyguard ng apo.

Alas syete pa lang umalis na ang kanyang apo kasama ang apat.

Ang nangyari kanina ay nasa pagitan ng alas otso hanggang alas nueve ng umaga.

Ibig sabihin hindi kabilang sa mga salarin.

Alam niyang wala ng paraan para makapagsumbong ang kung sino mang salarin.

Bago siya nag-imbestiga pinakuha niya lahat ng cellphone sa mga ito. Pinaputol ang koneksyon ng telepono.

"Don Jaime, bakit naman ho ganito?" daing ng isang matandang babae.

Nilingon niya ang mayordoma.

Ito ang pinakamatagal niyang tauhan subalit maging ito ay hindi dapat makaligtas.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon