When the protector of the law became the protector of the lawless.
---
After completing his mission, Gian Villareal, a skilled agent, became a valiant protector of the law.
But he has one simple mission: to become the bodyguard for Ellah Lopez, the...
"Bakit hindi ka na naman kumain?" malumanay na nitong tanong.
"Wala akong gana, " wika niya at humiga, inalalayan siya ng binata.
"Bakit?"
Siya naman ang hindi kumibo.
"Nasasaktan ka ba?"
Tahimik pa rin siya.
"Bakit ka nasasaktan eh ikaw ang may gusto nito 'di ba?"
"Hindi ko alam. "
Naguguluhan na siya sa nangyayari. Ayaw niya itong makita pero nang makita niya ay ayaw na niyang mawala ito.
"Sabihin mo nga, kaya mo ba ako iniiwasan dahil may gusto ka na sa akin?"
"Bakit mo ako mahal Gian?" walang emosyong tanong ng dalaga.
Hindi ito umimik at tumingin sa kawalan.
"Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?"
Napatingin ito sa kanya. "Lahat sa'yo, ikaw na buo, buong pagkatao mo!"
Natahimik ang dalaga.
Niyakap siya ng binata. Pero hindi siya gumanti, hinayaan lang niyang yakapin siya nito.
"Hindi tama ang ginawa mo, " kumalas siya sa yakap nito.
Huminga ito ng malalim. "Tama ka. " Tumingin ito sa kawalan. "Kung ang ibigin ka ay isang krimen isa nga akong salarin."
Napailing siya.
Hindi siya makapaniwalang may magmamahal sa kanya ng ganito ka tindi.
Pakiramdam niya tuloy mas malalim pa ang pagmamahal nito sa kanya kaysa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili.
Oh God!
Ito na ba ang lalaking para sa akin?
Hindi ba ako nagkakamali lang?
Paano ko ba masisiguro na totoo nga ang pag-ibig niya?
Mahirap tantiyahin ang damdamin, dahil hindi ito gaya ng sakit madaling makita at alam agad ang pwedeng ipanlunas.
Wala pa kasing doktor ng mga emosyon.
Dahil kung meron pa, siya ang unang magpapakunsulta!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
---
Nanlaki ang mga mata ng binata. Bigla siyang kinabahan.
"Sandali lang, paano pag naabutan ng lolo mo na wala dito ang bodyguards mo?"
"Oh Shit!"
Napabangon ang dalaga at mabilis na kinuha ang cellphone.
"Bert, pumunta kayo dito sa ospital ngayon na bago pa kayo maunahan ni lolo!" matigas na utos ng dalaga at sinabi ang kumpletong address na kinaroroonan nila.