Chapter 102 The End

68 1 0
                                    

"Gian hijo, don't you have a plan to handle our business?"

Kausap ng binata ang abuelo sa terasa ng mansyon.
Malamig ang simoy ng hanging panggabi kaya naman nagkakape sila.

Kinukumbinsi pa rin siya nitong hahawak sa kumpanya kahit na pauwi na siya bukas.

"Noon pa man, kayo na rito ng mga pinsan ko ang humahawak, ayaw ko na pong saklawan ang tungkol sa bagay na 'yan," tugon niya at humigop ng kape.

Tumango ang don. "I understand."

Napatingin si Gian sa matanda, sa kabila ng pangungulubot ng mga mata nito ay nababanaag niya ang awtoridad ng abuelo.

Huminga ng malalim ang don.

" Uuwi ka na ba talaga bukas?"

Tumango siya.
"Lilinisin ko ang pangalang narumihan ko. Patawarin niyo po ako."

Lumamlam ang mga mata ng don.
" Gian," marahang tinapik ng abuelo ang kanyang balikat.
"Ikinararangal ko na naging parte ka ng pamilyang ito."

"Maraming salamat po."

"Kailan ko ba makikilala ang mga taong mahahalaga sa'yo?
Don Jaime Lopez is a great man I think?"

"Yes, really a great man. Siya ang dahilan kaya buhay pa ako.
Kaya ng kinuha niya akong tagabantay ng kanyang apo ay lubos akong nagpasalamat bilang kabayaran ng utang na loob."

"I'm sorry hijo na wala ako sa tabi mo noong mga panahong 'yon. I am so sorry."
Hinawakan ng abuelo ang kanyang kamay at pinisil.

Tahimik na ngumiti ang binata.

"Nakaraan na po 'yon."

"Ibig sabihin marami kang tama ng bala sa katawan? May I see hijo?"

Umiling ang binata.

"Marami sa likuran, meron din sa tagiliran at dibdib, pero dahil sa katagalan ng panahon nawala na ang ibang marka. "

"Aalisin natin lahat 'yan sa pamamagitan ng laser. Ayaw ko ng may bakas ka ng kahapon mo ngayong nasa akin ka na."

Marahang tumango ang binata.

Sumang-ayon siyang alisin na ang bakas ng kahapon dahil wala ng babalikan pa.

Magbabagong buhay na sila ng kaibigang si Vince.

Palagi na lang itong nanganganib at palagi na lang din siyang nililigtas.

Tahimik silang nagkakape nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Answer it, hijo."

"Excuse po," tugon niya at lumayo.

Inaasahan niyang si Ellah ang tumatawag at masaya itong magbabalita ng mga nagawa sa buong araw.

Ngunit nang kinuha na ang cellphone sa suot na cargo shorts ay kumunot ang kanyang noo nang ang rumehistrong numero sa screen ay hindi kilala.

"Who's this?" aniya sa kabilang linya.

"Sir Gian! Sir ikaw ba 'yan! Si Bryan ito sir pasensiya na kung ikaw ang tinawagan ko hindi ko na kasi alam kung sino ang-"

"Anong nangyari?" kinabahan na niyang tanong.

"Si don Jaime isinugod sa ospital si Ms. Ellah nawawala!"

"ANONG SINABI MO!"
Tila kinapusan ng hininga si Gian sa sinabi ng kausap.

Nagpatuloy sa pagapaliwanag ang tauhan ni don Jaime habang halos wala na siyang naiintindihan sa sinasabi nito.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon