"Lolo! Lolo!" gimbal na dinaluhong niya ang matanda.Tarantang binuhat ni Alex ang kanyang lolo at ipinahiga sa sofa.
"Don Jaime? Don Jaime!"
Umiiyak ang dalaga habang patuloy na niyuyugyog ang matanda.
Ang galit at poot na unti-unting lumulukob sa kanyang pagkatao ay biglang naglaho.
"Tumawag kayo ng ambulansiya!"
" Opo! "
Takbuhan palapit ang mga kasambahay sa mansyon.
Taranta ang lahat dahil ang hari ng tahanan ay biglang nawalan ng ulirat!
Pinipisil nila ang mga parte ng katawan ng matanda upang muling magbalik ang malay nito.
"Lolo! Gumising kayo please! Lolo!" Tigmak ng luha ang mga mata ng dalaga.
Sa ilang saglit napag-isip- isip niyang hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakali may masamang mangyayari sa kanyang lolo.
Saglit lang may ambulansiya ng dumating.
Binuhat ni Alex ang don papahiga sa stretcher at pinagtulungang ipinasok ng mga staff sa loob ng ambulansiya. Agad naman inasikaso ng mga naroon ang kanyang lolo.
Binalingan siya ni Alex.
"Ms. Ellah, kung susunod kayo magdala kayo ng bodyguard!"
"O-oo. "
Mabilis ng umalis ang mga ito.
Napahagulgol ang dalaga.Sinisisi niya ang sarili sa nangyari.
"Patawarin niyo po ako lolo! Patawad po!"
Sinisinok na siya kaiiyak.
Nanghihinang napaupo siya sa sahig."Ms. Ellah, tama na po, " naawang nilapitan siya ng katulong.
Inayos niya ang sarili.
"Manang, ihanda niyo ang gamit ni lolo at susunod ako sa hospital. ""Opo Ms. Ellah. "
Umakyat siya sa kwarto at mabilis na nagbihis.
Kasalanan niya ang nangyaring ito!
Binuksan niya ang cellphone at may nakita siyang mensahe mula kay Gian.
Kumusta ka na? Mahal na mahal kita Ellah! Tandaan mo sana!
Parang nanghina ang dalaga sa nabasa ngunit kailangan niyang magdesisyon ngayon.
Matapos basahin ay binuksan niya ang cellphone tinanggal ang simcard at maging ang battery!
Habang nasa byahe papunta sa ospital ay panay ang dasal ng dalaga. Tahimik siyang humihikbi hanggang sa nakarating sila.
Inayos niya ang sarili, hindi siya dapat makitaan ng pagkakamali.
Ang pagbaba sa sarili ay hindi gawain ng mga Lopez!
Taas-noong naglalakad ang dalaga habang nakasunod sa naunang dalawang bodyguard. Kasunod naman niya ang dalawa.
Kaya ang kanilang madadaanan ay kusang dumidistansya at binibigyan sila ng daan.
Dumereto sila sa kinaroroonan ng matanda matapos malaman ang pinagdalhan nito.
Nang makapasok siya nagpaiwan ang kanyang apat na gwardya at lumabas ang isa sa mga kasambahay na nagbabantay sa kanyang lolo.
Nakahiga ito at nakapikit.
Maya-maya ay bumisita ang nurse.
"Ms. kumusta na ho siya?"
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...