Tumiim ang titig ni Ellah sa kawalan."Sa pagkakataong ito gusto kong isa na lang, siya na lang din ang driver ko kung pwede. Ayaw ko na ng maraming kasama."
Naaalala niyang muli ang apat niyang gwaryda, ang mga pagpapatawa ng mga ito sa tuwing magkakasama sila.
"Naiintindihan ko, huwag kang mag-alala, hahanap ako kagaya ng nais mo."
"Salamat po."
Kinabig siya ng matanda at niyakap.
Ipinikit niya ang mga mata at gumanti ng yakap.
---
"Makakaasa po kayo Don Jaime."Dinig ni Gian ang sinabi ng kanilang head habang papasok siya sa opisina nito.
Pinapatawag siya ng head nila at hindi niya alam kung bakit.
Namataan siya ng amo. "O, nandiyan ka na pala Gian, pumasok ka."
Tumuloy siya sa loob at namataan ang isang matandang kaharap ng kanilang head kasama ang isang lalaki na nasa likuran nito.
"Ipinapatawag mo raw ako sir?"
"Oo, Gian si Don Jaime Lopez, " pakilala ng kanilang head.
Hinarap niya ang matanda.
"Good afternoon don Jaime," bati niya at bahagyang yumukod.
Hindi ito sumagot at sa halip ay binalingan nito ang taong nasa likuran.
"Alex!"
Nagtaka siya na sa halip sa tumawag ito lumapit ay sa kanya ito palapit.
Napansin niyang nakatingin lang naman ang kanilang head.
Tumayo siya ng tuwid at inihanda ang sarili sa kung ano man ang binabalak nitong gawin.
Nagharap sila ng tinawag na Alex at nagkatitigan.
"Matibay ka ba?" tanong ni Alex.
Hindi siya sumagot.
'Huwag kang magkakamali brad baka maihatid kita sa ospital.'
Isang lakad pa nito bago pabiglang ipinitik ang likod ng kamao nito sa kanyang dibdib.
Hindi siya nagulat ni hindi siya natinag.
Siguro dahil sanay sila sa gulatan, noong training nila bigla na lang may maninipa o kaya ay mananapak kaya nasanay siya.
"Matibay nga!" anang matanda na napatango-tango.
Napatingin siya sa head nila na nakatingin pa rin sa kanya.
"Isa pa Alex!" Utos ng don.
Umatras ito ng tatlong hakbang bago may dinukot sa likuran at itinutok sa kanyang noo.
Baril 'yon na kwarenta y singko.
Ni hindi siya kumurap nang makita ang dulo ng baril tatlong hakbang ang distansiya.
Isang kalabit lang nito tiyak ang kamatayan niya.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...